• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panahon na para sa “bolder, urgent action” para resolbahin ang paghihirap sa tubig – PDu30

ITO na ang tamang panahon para sa “bolder vision” at “agarang aksyon” para resolbahin ang water-related issues sa Asia-Pacific region.

 

 

Binigyang halimbawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga developing countries gaya ng Pilipinas na nahaharap sa mga pagsubok upang masiguro na ang universal access ng mga mamamayang Filipino ay “ligtas, affordable at accessible water.”

 

 

Sa isang video message sa panahon ng heads of states at government meeting sa 4th Asia-Pacific Water Summit sa Kumamoto City, araw ng Sabado, sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga bansa sa Asia-Pacific at katuwang nito ay kailangan na bumuo ng “a strong alliance” upang tugunan ang paghihirap ng rehiyon sa tubig.

 

 

“Excellencies, now is the time for bolder vision and urgent action. We need to decide wisely for ourselves and for future generations,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

 

Tinukoy ang kaso ng Pilipinas, mayroon aniyang nananatiling “enormous challenge” upang matiyak na sapat ang suplay ng iniinom na tubig sa kabila ng kasaganaan ng tubig sa bansa.

 

 

 

“This requires an urgent sense of community action in the region, an integrated and coherent policy and the resolve to create opportunities for investment and collaboration for technological solutions,” ang sinabi ng Pangulo sa mga nagpartisipa sa water summit.

 

 

Nagmungkahi naman ang Chief Executive ng ilang hakbang upang matugunan ang mga hamon gaya ng “creating a robust regime for sustainable water management, using the best available science in water resource generation and climate resilient infrastructure, and securing sustainable forest protection and watershed management.”

 

 

Ang mga regional experts for technology development and transfer aniya ay kailangan na makipag-collaborate, at kailangan na i-promote ng bansa ang transboundary benefits para sa development ng mga ordinaryong mamamayan tungo sa 2050 “and beyond.”

 

 

Aniya pa, ang solusyon sa water-related issues ay kailangan na manggaling mula sa pamahalaan at non-government stakeholders.

 

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang access sa tubig at sa kaugnay na serbisyo ay kinukonsidera bilang basic human right, lalo pa’t “it is a resource so vital for humans and ecosystems for survival and sustenance.”

 

 

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Duterte ang Japanese government para sa patuloy na inisyatiba sa matagumpay na pag-organisa ng 4th Asia-Pacific Water Summit.

 

 

Sinabi naman ni Climate Change Commission Secretary Robert E. A. Borje, nagpakilala sa Pangulo sa idinaos na leaders’ meeting, na ang pangunahing posisyon ng Pilipinas sa climate change mitigation at adaptation ay climate justice.

 

 

“To the least responsible, to those with the least resources, to those most exposed, we need to do more,” ayon kay Borje.

 

 

“Philippines’s solidarity with all nations, which had to deal with water-related disasters brought about by climate change drivers,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, noong nakaraang linggo ay sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People program na kailangan na bayaran ng mga developed countries ang mga developing nations na labis na naghihirap mula sa epekto ng climate change. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 18, 2020

  • PDu30, bibigyan ng hustisya ang 3 namatay sa fatal shoutout sa pagitan ng mga tauhan ng QCPD at PDEA sa QC

    LABIS ang pag-aalala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyaring fatal shootout sa pagitan ng mga police officers at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), araw ng Miyerkules.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinangako ng Pangulo na bibigyan niya ng hustisya ang tatlong nasawing indibidwal.   “The President, of course, expressed […]

  • Actress Ina Feleo at Italian partner, ikinasal na

    Ikinasal na ang actress na si Ina Feleo at Italian partner nitong si James Gerva.   Iibinahagi ng matalik na kaibigan ng actress na si Rommel Dela Cruz, ang mga larawan at ilang kaganapan sa kasal.   Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Pinto Art Museum sa Antipolo.   Noong Hulyo 2019 ng inanunsiyo […]