Panalo ni Mayor Lacuna Kasabay ng Ika-450 Taong Araw ng Maynila
- Published on June 24, 2022
- by @peoplesbalita
KASABAY ng pagdiriwang ng ika-450 taon anibersaryo ng pagkakatatag sa lungsod ng Maynila ay ang pag-upo ng kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa kabisera ng bansa.
Si Vice Mayor at Mayor elect Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, na kauna-unahang babae at doktor na Alkalde sa lungsod ng Maynila ay magsisimulang manungkulan sa katanghalian ng huling araw ng buwan ng Hunyo taon kasalukuyan.
Noong 2016, nahalal siya bilang kauna-unahang babaeng Vice Mayor, katambal ng nagwagi rin noong alkalde na si dating Pangulong Joseph Estrada hanggang tumakbo at muling nanalong vice mayor sa ilalim naman ng partido ni Mayor Isko Moreno Domagoso noong 2019.
Ang kanyang mga ipinamalas na kakayahan bilang pangalawa sa pinakamataas na lokal na pinuno ng Maynila ang nagbunsod kay Mayor Isko Moreno na ipagkatiwala sa kanya ang pamamahala sa kapitolyo ng bansa.
Bukod kasi sa matagal na rin sa mundo ng pulitika na nagsimula sa pagiging konsehala ng ika-apat na distrito noong taong 2004 hanggang 2013, napakarami rin niyang nai-akdang ordinansa at resolusyon na naipasa ng Sangguniang Panlungsod. Nakadagdag pa rito ang kanyang pagiging anak ng isa sa mahusay at matalinong bise alkalde ng lungsod na si Vice Mayor Danny Lacuna.
Kaugnay nito, pangungunahan nina Yorme Isko at Mayor elect Honey Lacuna ang pagdiriwang sa ika-450 taon anibersaryo ng “Araw ng Maynila” sa Hunyo 24, 2022 kung saan pasisinayaan nila ang Bagong Ospital ng Maynila at pagsasagawa ng Nilad Festival 2022 Float Parade.
Ayon kay Domagoso ang konstruksyon ng makabagong ospital ay 99. 6% ng kumpleto kung saan nakalagay na din dito ang mga makabagong kagamitang medikal.
Ani Domagoso, ang sampung palapag na pampublikong ospital ay fully airconditioned at may helipad pa bilang paghahanda sa bibilhin na MedEvac.
“The people deserve better. Pera naman nila ito kaya marapat lang na ibalik ito sa kanila sa pamamagitan ng maganda at dekalidad na serbisyo. Gusto ko pong ipakita na hindi porke’t public facility, pwede na yan. Dapat kahit public facility, first-class service ang ibibigay sa tao. Kung ano ang nabibigay ng private hospital kaya rin dapat ng isang public hospital,” paliwanag ni Domagoso.
Inanyayahan na din ni Domagoso ang publiko partikular na ang mga Manilenyo na makiisa at manood sa Nilad Festival 2022 Float parade na gaganapin sa Araw ng Maynila.
Ang nasabing float parade ay magtatampok ng iba’t-ibang floats na inihanda ng mga city employes ng iba’t-ibang departamento sa Manila City Hall.
Ang nasabing kaganapan ay isa sa mga “highlights” ng selebrasyon ng ika-450 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila.
Ayon sa Alkalde, ang nasabing festival ay inorganisa ng Department of Tourism, Culture and Arts ng Maynila.
“Sama-sama tayong makisayaw, makisigaw at ipagmalaki ang angking husay at talento nating mga Manileño sa gaganapin na Nilad Festival 2022 ngayong darating na Hunyo 24, 2022,” giit ni Domagoso.
Nabatid kay Domagoso na nagmula sa dahon ng Nilad ang pangalan ng kabisera ng bansa na Maynila. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Kelot na wanted sa rape sa Valenzuela, nasilo sa Laguna
HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Lungsod ng Valenzuela matapos makorner ng pulisya sa manhunt operation sa Sta. Cruz Laguna. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng 37-anyos […]
-
INATASAN ni Caloocan Ciy Mayor Along Malapitan ang Caloocan’s disaster response team sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), City Social Welfare Development Department (CSWDD), City Environmental Management Department (CEMD), at City Engineering Department (CED)
INATASAN ni Caloocan Ciy Mayor Along Malapitan ang Caloocan’s disaster response team sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), Public Safety and Traffic Management Department (PSTMD), City Social Welfare Development Department (CSWDD), City Environmental Management Department (CEMD), at City Engineering Department (CED) na maging alerto upang agarang tumugon sa pangangailangan ng mga Batang Kankalo sa […]
-
Bakuna sa COVID-19 libre lang sa mahihirap
PINAKAMAHIHIRAP lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna sa COVID-19 at dapat magbayad ang mga may pera. “Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may-kaya naman po ay makakabili rin ‘no,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque. Pero […]