• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pananakot sa mga ospital, itinanggi ng DOH

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na kanilang tinatakot ang mga pribadong ospital na ayaw magdagdag ng kapasidad sa gitna nang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

 

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang nagaganap na pananakot sa kanilang panig bagaman at nasa batas ang pagtataas ng kapasidad kung may pangangailangan.

 

 

Sabi pa ni Vergeire na dapat mag-expand ang mga pribadong ospital ng hanggang 30% mula sa orihinal na bed capacity para sa mga pasyenteng may COVID.

 

 

Ipinatutupad lamang aniya ng DOH kung ano ang nakasaad sa batas.

 

 

Pero naintindihan din aniya ng DOH ang mga ospital na kailangan ng mga bagong healthcare workers kaya tumutulong din sila sa pagbibigay ng mga kama.  (Daris Jose)

Other News
  • Drug money sa Barangay, SK elections babantayan ng PNP

    HINDI  lamang mga private armed groups ang babantayan ng Philippine National Police (PNP) sa barangay at Sangguniang Kabataaan elections sa Oktubre kundi maging ang drug money.     Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Redrico Maranan, posibleng kumalat ng drug money o pera galing sa transaksyon ng iligal na droga sa panahon ng […]

  • Renomination ni Nograles bilang chairperson, OK sa CSC

    WELCOME sa Civil Service Commission (CSC) ang ginawang ‘renomination”  ni  President-elect Ferdinand Marcos Jr. kay dating cabinet secretary Karlo Nograles bilang  Chairperson-designate ng nasabing ahensiya.     “We were already off to a good start with Chair Karlo’s earlier brief stint at the Commission. Now that he’s back, I, together with Commissioner Ryan Acosta, as […]

  • Pagbagsak ng katawan ni ALDEN, inalmahan ng fans dahil nagmukhang matanda

    NAG–WORRY ang mga fans ni Alden Richards sa recent photo na pinost niya habang nasa gym dahil kitang parang bumagsak ang kanyang katawan at hindi raw bagay dito ang ganoong kapayat.      Comment ng mga fans, hindi raw sila nasanay na makitang ganoon siya, at nagmukhang matanda sa picture.        Wala raw naman dapat […]