• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ng DILG sa publiko: Mag-donate ng ‘hair, coconut husks’ para mapigilan ang oil spill

NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na mag- donate ng ‘hay, hair at coconut husks’ para mapigilan ang oil spill sa Bataan at kalapit-lugar.

 

 

 

 

Sa oil spill alert advisory ng DILG, sinabi ng DILG Bataan na “every contribution counts and will help in resolving this crisis quickly.’’

 

 

Ipinaliwanag ng DILG ang pangangailangan na gumamit ng ‘oil booms’ para mapagilan ang oil spill at gumamit ng skimmers para alisin ito sa tubig.

 

 

Dagdag pa na ang chemical dispersants ay makatutulong para tunawin ito sa natural na proseso.

 

 

Sa pagpapatupad ng clean-up drive, binigyang diin ng DILG ang pangangailangan ng ‘coordinated efforts at swift action’ ng local government units (LGUs) at komunidad sa paglutas sa Bataan oil spill sa lalong madaling panahon.

 

 

Sinabi ng DILG na maaaring mag-provide ang LGUs sa mga apektadong komunidad na lubhang kailangan ng suporta gaya ng financial assistance at alternatibong source of livelihood para sa mga mangingisda at mga residente.

 

 

Sanhi ng kontaminadong hangin at tubig, sinabi ng DILG na ang kabuhayan ng mga mangingisda at tourism industry ng Bataan ay grabeng naapektuhan, dagdag pa ang banta sa health hazards na dala nito.

 

 

Tinuran pa ng DILG na ang masamang epekto ng oil spill sa marine life, kung saan ang malaking numero ng sea creatures ay namatay o nalason.

 

 

“Nasira rin ang mga coral reefs at mangrove areas na mahalaga sa tirahan ng mga marine species,’’ ang paliwanag ng DILG. (Daris Jose)

Other News
  • Muling pagbangon ng salt industry, isinulong

    KASUNOD na rin ng panawagang suporta para sa industriya ng asin sa bansa, isinulong ng isang mambabatas ang panukalang muling magpapabangon dito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang ahensiya na siyang magbubuo ng mga hakbang para sa modernisasyon at proteksyon ng naturang industriya.     Nakapaloob ito sa House Bill No. 5676 o Philippine Salt […]

  • DOH: ‘NCR Plus’ handa nang bumalik sa estado ng GCQ

    Naniniwala ang Department of Health (DOH) na handa na ang mga lugar na sakop ng National Capital Region (NCR) Plus na bumalik sa estado ng general community quarantine (GCQ).     Kasunod ito ng anunsyo ng Malacanang nitong Huwebes ng gabi na isasailalim na sa “GCQ with heightened restriction” ang NCR, Cavite, Laguna, Rizal, at […]

  • Digital COVID-19 vaccine IDs sa NCR handa na Setyembre 1 – Abalos

    Handa na pagsapit ng unang araw ng Setyembre ngayong taon ang digital COVID-19 vaccine certificates o IDs para sa National Capital Region, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.     Kinukolekta na kasi aniya ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang lahat ng datos hinggil sa COVID-19 vaccination sa […]