• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ng Pag-IBIG , mag-avail ng penalty condonation

NANAWAGAN ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund  sa mga employers na  mayroong  unremitted contributions para  sa kanilang mga empleyado na mag-avail ng penalty condonation program ng ahensiya.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG na sa ilalim ng  penalty condonation program, maaaring ayusin o plantsahin  ng mga employers ang kanilang obligasyon, kapwa bago at sa kasalukuyang  panahon ng pandemya, “free from any monthly penalty charge on delayed remittances.”

 

 

“We at Pag-IBIG Fund recognize the significant role that the business community plays in allowing Filipino workers to gain Pag-IBIG membership and in helping our nation continue to recover from the pandemic. That is why we are providing the means for employers to settle the unremitted Pag-IBIG contributions of their employees free from penalty charges,” ayon kay Department of Human Settlements at Urban Development Secretary at  chairperson ng  11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees na Jose Rizalino Acuzar.

 

 

Sa ilalim ng charter ng ahensiya, “employers are responsible for the registration and remittance of their employees’ mandatory monthly Pag-IBIG contributions, which consist of the employee’s contributions and the employer’s counterpart share. ”

 

 

Sinabi naman ni Pag-IBIG CEO Acmad Rizaldy Moti  na ang penalty condonation program ay  “purposely broad in scope to aid in boosting economic activity.”

 

 

Sinabi pa rin niya na  “in addition to having the penalty charges on their delayed remittances completely waived, employers who are unable to settle their obligations in full may choose a payment plan with a low monthly interest charge of 0.5%.”

 

 

Kung ang  unremitted contributions aniya ay nangyari noong panahon ng pandemiya o mula  Marso 2020 pataas, ang  interest charge sa payment plans  ay  mawi-waived.

 

 

“With the program’s favorable terms, employers are provided the means to update the monthly contributions of their employees, while maintaining a healthy cash flow to sustain their operations,” ayon kay Moti. (Daris Jose)

Other News
  • Kahit na todo-bigay sa love scenes: AJ, gusto ring makilala na magaling na artista at goal nila ‘yun ni SEAN

    KAHIT na super daring at todo bigay pa rin sa mga love scenes nila ni Sean de Guzman sa Hugas ang bagong movie ng Vivamax, kumpara sa mga past movies nila, ang action element sa Hugas ang nakikitang kaibahan ni AJ Raval.     Sey ni AJ, “Unang-una po, ang kaibahan po sa mga ginawa […]

  • Sexually transmitted infections, tinawag na ‘silent epidemic’

    LUNGSOD NG MALOLOS– Sa ikatlong serye ng YouthTube o Youth Talakayan, Ugnayan, Balitaan Etc., tinalakay ang Sexually Transmitted Infections upang matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng maalam at tamang pananaw sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay sa ginanap na online na programa kasama ang mga pangulo ng Sangguniang Kabataan sa lalawigan kamakailan.   Ito […]

  • Pinas ‘di titiklop sa isyu ng West Philippine Sea – Marcos

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi titiklop ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) sa gitna nang tumataas na geopolitical tension.     Sa ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng Pangulo na sa kabila ng maraming probokasyon, ang bansa sa pamamagitan ng AFP, ay nananatiling isang […]