Panawagan ni Abalos sa mga mall owners, maging istrikto sa vaccination card sa mga papasok sa kanilang establisimyento
- Published on November 19, 2021
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. sa mga mall owners na maging istrikto sa paghahanap ng vaccination card ng mga papasok sa kanilang establisimyento lalo na ngayong malapit na ang Christmas season.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na kailangan na gawing istrikto ito at siguraduhin na ang papasok sa malls ay nakasuot ng mask.
“Please lang, istriktuhan pagdating dito. Itong bakuna plus mask at social distancing.. ito po ang mga bagay na magbibigay proteksyon po sa atin,” ayon kay Abalos.
Nakiusap din sila sa mga mall owners na i-extend ng mga ito ang kanilang oras.
Sa kabilang dako, patuloy naman ang ginagawang pagbabakuna ng Local Government Units (LGUs) sa mga tiangge owners, operators at sellers na bahagi aniya ng “no vaccine, no tiangge” lalo pa’t malapit na ang Kapaskuhan.
Sinabi ni Abalos na importante na mabakunahan ang mga owners, sellers at mga operators ng tiangge lalo pa’t seasonal lamang ito.
Nanggagaling pa aniya kasi sa mga lalawigan ang mga ito at kapag natapos na ang Christmas season ay mag-u-uwian na ang mga ito sa kani-kanilang probinsiya.
“Ito lamang ay nagpapatunay na kung titingnan natin ay talagang tinitingnang mabuti ng mga alkalde sa Metro Manila. Kung titingnan mo itong mga tiangge na ito .. walang ganitong requirement eh. and yet, talagang inunahan ko lalo na’t nanggagaling sila sa iba’t ibang dako ng Pilipinas and after the Christmas season, uuwi na po sila,” ayon kay Abalos.
“Sa ngayon po talagang nag-i-ikot ang ating LGUs tinitingnan. Hinigpitan pa nila. 2 vaccination. Ito’y nagpapatunay lamang na we’re not resting hanggang dulo. Bawat galaw pina-fine tune natin lahat ng mga polisiya o guidelines na inilatag ng IATF,” dagdag na pahayag ni Abalos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Teng, opensa ng Aces
WALANG palya sa postseason ang Alaska Milk nitong 2019, hindi lang sila nakakatalon ng quarterfinals. Lumagpak sa No. 8 sa Philippine Cup, sinipa agad ng No. 1 Phoenix Pulse sa quarter. No. 8 ulit sa Commissioner’s, nakauna sa TNT sa quarters pero sadsad sa pangalawang laro. Habang umangat sa No. 7 ang Aces […]
-
Price ceilings sa bigas, ipinatupad sa Valenzuela at Navotas
IPINATUPAD na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela at Navotas ang Executive Order No. 39 na inisyu ng Malacañang o ang Pagpapataw ng Mandated Price Ceilings sa Bigas sa lahat ng pampubliko at pribadong pamilihan at mga supermarket sa parehong lungsod. Sa Valenzuela, bumuo ng Task Force si Mayor Wes Gatchalian upang tutukan ang […]
-
2 EXTORTIONIST TIMBOG SA ENTRAPMENT OPERATION SA CALOOCAN
TIMBOG sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang dalawang extortionists, kabilang ang isang babae na humihingi ng P5 milyon sa isang customs broker kapalit ng hindi pagsama sa kanyang pangalan mula target na papatayin na mga customs opisyal sa Caloocan City. Ayon kay P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit […]