• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ni PBBM sa sambayanang Filipino: ‘Solemn, peaceful’ na paggunita sa Undas

NANAWAGAN  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang filipino para sa “mataimtim at mapayapa” na paggunita ngayong  All Saints’ Day, Nobyembre 1 at All Souls’ Day, Nobyembre 2. 
“Isang mataimtim at mapayapang Undas sa ating lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang  vlog  na naka-upload sa kanyang official Facebook page.
Ang paalala pa rin ng Pangulo sa publiko ay sundin ang mga patakaran o alituntunin  sa pagbisita sa mga namayapa nilang mahal sa buhay sa sementeryo o  memorial parks.
Pinayuhan din niya ang mga byahero na mag-ingat ngayong holiday break.
“Sa lahat po nang magbabakasyon o out-of-town ngayon, mag-ingat po tayo sa biyahe. Panatilihing malinis ang mga sementeryo at ingatan ang inyong mga kagamitan,” ayon sa Pangulo.
Sa ulat, handa namang umalalay sa publiko ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa may 4,866 na mga Police Assistance Desk na nakakalat sa iba’t ibang sementeryo at iba pang matataong lugar ngayong araw.
Ito’y kasabay na rin ng paggunita ng sambayanang Pilipino sa tradisyonal na Undas o All Saint’s Day ngayong araw gayundin sa All Soul’s Day bukas, November 2.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, maliban sa mahigit 27,000 pulis ay kanilang makakatuwang ang mahigit sa 22,000 force multipliers buhat naman sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang na rito ang tropa mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at mga lokal na pamahalaan.
Kasama na rin ani Fajardo ang mga Non-Government o Civic Organizations na kanilang makakatuwang upang tiyaking magiging ligtas, maayos, at mapayapa ang paggunita ng Undas.
Muli namang nagpaalala si Fajardo sa publiko hinggil sa mga ipinagbabawal dalhin sa mga sementeryo ngayong Undas.  (Daris Jose)
Other News
  • Opening ceremony ng Paris Olympics naging makasaysayan kahit umulan

    HINDI natinag ang ilang milyong mga katao na nanood ng pormal na pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.       Nagdala ng mga payong at kapote ang karamihan para masaksihan ang makasaysayan at kakaibang pagbubukas ng Olympics na ginaganap sa River Seine.     Hindi gaya sa mga nakagawian na sa mga stadium ito ginaganap […]

  • Michael Mayers Resumes The Bloody ‘Halloween’ Night This October

    IN 2018, the slasher film icon Michael Myers returned to the big screen in director David Gordon Green’s revival of Halloween.     This year, the unrelenting masked murderer will be back in the film’s sequel, Halloween Kills.     As the film’s trailer reveals, that Halloween night when Myers supposedly burned in Laurie Strode’s home didn’t […]

  • HIGIT 49M OFFICIAL BALLOT, NA-IMPRENTA NA

    MAHIGIT 49 milyon o halos 74 porsiyento ng mahigit 67 milyong opisyal na balota ang naimprenta na sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes.     Mula sa 13 rehiyon, nakapag-imprenta na ng 73.7 percent kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera […]