• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ni PDU30 sa publiko: Huwag iboto ang Makabayan party-list groups

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag iboto ang Makabayan party-list groups na ayon sa kanya ay  “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines (CPP).

 

 

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, kinilala ng Pangulo ang mga party-list groups bilang Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT Teachers at Gabriela.

 

 

“Makita naman ninyo sa behavior nila and the way they espouse their advocacy for a party, left ang talagang drift nila,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ang problema they are supporting or they are really parang legal fronts ng Communist Party of the Philippines. … Dalawang ulo nito, miyembro ng Congress, sundalo, at hindi lang part-time. ‘Yan ang totoo,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“Huwag ninyong iboto ‘yan, kung iboto niyo ‘yang partylist ang bala, magkano ang isang bala ngayon? .. Isang putok is P30, huminto na kayo dyan kung ibigay natin sa barangay lahat nagsasayang kayo ng buhay, nagsasayang kayo ng pera,” aniya pa rin.

 

 

Inakusahan ni Pangulong Duterte ang rebeldeng komunista na gumagawa ng pera mula sa pag-endorso sa mga kandidato kung saan tanging ang mga lider lamang nito ang nakikinabang.

 

 

“They are earning billions. Kayong mga NPA na nasa gubat ngayon na gutom walang makain, may sakit, ang inyong liderato bilyon ang nakukuha nyan,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Samantala, pinayuhan naman ng Punong Ehekutibo ang mga kandidato na naghahangad na makapagsagawa ng pangangampanya sa mga “critical areas” na komonsulta muna sa mga pulis at militar para sa kanilang seguridad. (Daris Jose)

Other News
  • Dalaga arestado sa motornapping sa Navotas

    Kalaboso ang isang 23-anyos na bebot matapos i-reklamo ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.     Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law) ang suspek na kinilalang si Karen Cruz, bar employee at  residente ng No. 39-A Santiago St., Brgy. Sipac-Almacen.     Sa inisyal na imbestigasyon […]

  • Kevin Durant, pumayag na manatili sa Brooklyn Nets matapos kausapin ng management

    INANUNSIYO ngayon ng management ng Brooklyn Nets na mananatili pa rin sa kanilang team ang NBA superstar na si Kevin Durant.     Ang “pag-move forward” na ng Brooklyn ay matapos na mabigo na makakuha ng deal sa ibang team na pampalit sana sa paglipat kay Durant.     Kung maalala mula pa noong June […]

  • ‘Wala munang pahalik ngayong taon’ – Quiapo Church

    Muling nagpaalala ang mga opisyal ng Quiapo Church na papalitan muna ngayong taon ang nakasanayang “pahalik” sa Itim na Nazareno. Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, dahil isa sa pinanggagalingan ng virus ay ang paghawak sa isang bagay ay wala munang pahalik ngayong taon.   Imbes aniya na pahalik ay papalitan […]