Panawagan sa pagsasagawa ng legal na action laban sa mga Chinese Nationals isinumite sa OSG
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
ISINUMITE ng House Quad Comm sa Office of the Solicitor General (OSG) nitong Lunes ang mga dokumentong hawak nito kasabay ng panawagan nang pagsasagawa ng legal action laban sa mga Chinese nationals na naakusahan ng paggamit ng pekeng Filipino citizenship para iligal na makabili ng lupa at makapag-operate ng business sa Pilipinas.
Hinikayat din ng mga chairpersons ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, and Public Accounts na sina Reps. Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido Abante Jr., at Joseph Stephen Paduano ang OSG na bilisan ang rebyu at pasimulan ang pagsasagawa ng civil forfeiture proceedings, sa pakikipagkoordinasyon sa ibang ahensiya ng gobyerno.
Ilan sa isinumiteng dokumento ay ang Philippine Statistics Authority (PSA)-issued birth certificate mula 2004, sa kabila ng ipinanganak noong 1983 ng isang Aedy Tai Yang, isang Chinese national na pinagsusupetsahang nameke ng dokumento para makakauha ng Filipino citizenship, na ginamit umano para makabili ng lupa at makapagpatayo ng business ng iligal Batay sa records mula sa Municipal Civil Registry ng San Antonio, Nueva Ecija, ang kanyang birth documents ay naabo sa isang sunog.
Kasama din sa ebidensiya ang ilang certifications mula sa PSA ay ang marriage, tax declarations para sa properties na nasa kanyang pangalan at corporate records na nag-uugnay sa kanya sa Empire 999 Realty Corporation at Sunflare Industrial Supply Corp. Ang mga naturang kumpanya ay may ugnayan sa kuwestiyonable umanong land acquisitions, kasama ang records mula sa Land Registration Authority (LRA) na nagsasaad na ang properties ay pag-aari ng Empire 999’s incorporators.
Pag-aari rin ng Empire 999 ang isang warehouse sa Mexico, Pampanga, kung saan nakumpiska ang P3.6 bilyong halaga ng shabu shipment noong 2023. Iprinisinta din ng komite ang dokumento na nagpapakita sa kuwestiyonableng land deals sa pagitan ni Yang at local government ng Mexico, Pampanga, suportado ng Memorandums of Agreement, Deeds of Sale, at municipal resolutions na hindi umano dumaan sa legal processes.
Kinumpirma ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ilang lupian ibinenta ni Yang ay hindi dumaan sa kinakailangang conversion process.
Sa liham kay Solicitor General Menardo Guevarra, iihayag ng Quad Committee ang posibilidad ng national security risks dulot ng naturang aktibidades na nangangailangan ng agarang aksyon.
“These actions are blatant violations of our laws and call for immediate executive intervention,” pahayag ng komite.
Tinanggap naman nina Assistant Solicitor Generals Hermes Ocampo at Gilber Medrano at Senior State Solicitor Neil Lorenzo, na humarap din sa press conference, ang mga dokumento mula sa mga lider ng Quad Comm.
Dumalo din sa seremonya sina House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga, House Deputy Majority Leader David “Jay-jay” Suarez ng Quezon, Quad Comm Vice Chairman Romeo Acop ng Antipolo City, 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez, La Union Rep. Paolo Ortega V, at Zambales Rep. Jay Khonghun. (Vina de Guzman)
-
After four years, mapapanood na ang most epic primetime series… Direk MARK at buong cast ng ‘Voltes V: Legacy’, naging emosyonal
TEARS of joy ang hindi napigilang reaction ni Director Mark Reyes at ng cast ng most epic primetime series to land on Philippine television via “Voltes V: Legacy.” Paano nga naman, inabot ng four years in the making ang first-ever live action adaptation of the phenomenal Japanese ‘70s anime ‘Voltes V’ na nag-premiere […]
-
Inside Out 2 Makes a Big Bang in PH Box Office
Disney and Pixar’s “Inside Out 2” records the third biggest opening day of all time in the Philippines. Experience the emotional rollercoaster with Riley and new emotions in cinemas now. Disney and Pixar have done it again! Moviegoers are feeling all the feels as Disney and Pixar’s “Inside Out 2” had a […]
-
Irving, first time nakalaro na rin sa practice ng Brooklyn Nets
Kinumpirma ng Brooklyn Nets na nakabalik na rin ngayong araw sa training camp ng koponan ang kanilang superstar point guard na si Kyrie Irving. Una rito,inabot na rin ng apat na practice sessions na hindi pa nakakasali si Irving at isang pre-season games dahil sa isyu pa rin ng hindi nito pagpapabakuna […]