Panawagang pagkuha ng drug tests sa showbiz industry, public servants, pinapurihan
- Published on October 10, 2022
- by @peoplesbalita
PINAPURIHAN ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Senador Robinhood Padilla sa panawagan nito sa lahat ng government officials at employees, maging mga kasamahan sa showbiz industry na sumailalim sa drug tests, bilang magandang halimbawa sa publiko.
“Atin pong pinupuri si Sen. Padilla sa kanyang position na dapat maprotektahan ang mga Filipino, mga opisyal at kawani ng pamahalaan, kasama na ang kanyang mga fellow workers sa showbiz industry, sa mga masasamang epekto ng illegal na droga,” anang mambabatas.
Sa kanyang kampanya kontra droga, naghain ng resolusyon si Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, para sa pagsasailalim sa mga miyembro ng Kamara sa mandatory drug test bago ito maupo sa puwesto at gagawin kada taon.
Ang kabiguan na sumunod dito ay magsisilbing batayan para huwag ibigay o i-withhold ang sahod at benepisyo at karagdagang parusa sa ilalim ng civil service laws and rules.
Sinabi ng mambabatas na ang pagkaka-aresto ng isang actor sa ginanap na drug-buy bust operation ang dahilan kung bakit nanawagan ito sa lahat ng Filipino movie production outfits, director at talent agents na isailalim ang mga artistang nasa kanilang pangangalaga sa drug testing bago agbigya ng kanilang professional services.
“Alam ko na halos lahat ng ating mga artista ay drug-free o malinis sa usapin ng illegal na droga. Pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga,” pahayag nito.
“Kaya hinihiling at hinihikayat ko ang hanay ng ating showbiz industry na tumulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police ng kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test bago bigyan ng project,” dagdag ni Barbers. (Ara Romero)
-
LGUs may 1-time extension para sa cash aid distribution hanggang May 15 – DILG
Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nasa 61.85% na ang naipamahagi sa kabuuang P22.9 billion na pondo na inilaan ng gobyerno para sa mga residente ng National Capital Region (NCR) na apektado sa dalawang linggong re-imposition ng enhanced community quarantine (ECQ) sa “Plus Bubble.” Nasa P4,000 cash aid ang […]
-
Valenzuela CDC, nagpulong para pag-usapan ang mga programa sa hinaharap
NAGPULONG ang Valenzuela City Development Council (CDC) sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian upang talakayin ang kalagayan at progreso ng kasalukuyang mga proyekto saka balangkasin ang mga programa sa hinaharap para sa patuloy na socio-economic development ng lungsod. Si Mayor WES, kasama si City Engineering Office head, Engr. Reynaldo Sunga, ay nagbigay ng […]
-
Three months after na masagasaan ng snowplow: JEREMY RENNER, nakatatayo na at gumagamit na ng treadmill
SOBRANG seloso pala ang boyfriend ni Jasmine Curtis Smith na si Jeff Ortega. Sa pitong taon daw na may relasyon sila, nauunawaan na raw ni Jasmine ang pagiging seloso ni Jeff. Kaya tuwing meron sila ‘di napag-uunawaan, nagiging honest agad si Jasmine sa pagsabi kay Jeff kung ano ang diperensya nito. “Mas na-practice […]