• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panelo, sinopla si Sotto; Estratehiya ng administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, binago na

BINAGO na ng Duterte administration ang estratehiya nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

 

Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo bilang tugon sa naging panawagan ni Senate President Vicente Sotto III sa gobyerno na maghanap ng ibang paraan para labanan ang Covid-19 at huwag lamang umasa sa bakuna.

 

 

”Binago na nga ‘yung strategy. Mukhang nahuli yata yung mungkahi mo ,” ayon kay Panelo sa kanyang commentary show Counterpoint.

 

 

Sinabi kasi ni Sotto na kailangang tutukan ng pamahalaan ang ”treatment and prevention” sa pamamagitan ng medisina at hindi nakatuon lamang sa pagbabakuna sa mga filipino laban sa Covid-19.

 

 

Ang buwelta naman ni Panelo, walang masama sa nilalayon ng gobyerno na pataasin ang vacci- nation efforts para protektahan ang mga filipino mula sa nakamamatay na sakit. ”

 

 

‘Yung pagdating sa bakuna, hindi ho mababago ang strategy natin doon. The more bakuna, the better for us. Tama yung strategy na ‘yun — bakuna, bakuna, bakuna ,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni National Task Force against Covid- 19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na naghahanda na ang pamahalaan na bumili ng mas maraming bakuna bilang booster shots.

 

 

Nakatuon aniya ang pansin ng pamahalaan sa pag-update ng polisiya nito pagdating sa granu- lar lockdowns sa halip na city- wide at province-wide community quarantine.

 

 

Dapat sana, ang Kalakhang Maynila ay nasa ilalim na ng regu- lar general community quarantine (GCQ) mula Setyembre 8 hanggang 30 para bigyang-daan ang pilot granular o localized lockdowns.

 

 

Subalit, nagdesisyon naman ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na ipagpaliban ang GCQ habang nakabinbin naman ang pagpapaabas ng final guidelines sa granular lockdowns.

 

 

Dahil dito, nananatili naman ang Kalakhang Maynila sa ilalim ng stricter modified enhanced community quarantine hanggang Setyembre 15. (Daris Jose)

Other News
  • “POKWANG” todas sa pamamaril sa Caloocan

    BUMULAGTA ang duguan at walang buhay na katawan ng 34-anyos na babae matapos barilin sa mukha ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ang biktima na nakilala lang sa alyas ‘Pokwang’, 34, at residente ng Barangay 28 ng nasabing lungsod.   […]

  • MAX, nambulabog dahil mabilis na naibalik ang seksing katawan bago siya nabuntis

    SUNUD-SUNOD ang pambubulabog ni Max Collins sa pag-post nito sa social media ng kanyang post-baby body pagkatapos nitong manganak last year.     Eight months na ang nakaraan noong isilang ng Kapuso actress noong July 2020 si Skye Anakin. Pero mabilis na naibalik ni Max ang dati niyang seksing katawan bago siya nabuntis.     […]

  • Duterte sa PDEA: Bilang ng illegal drugs na nakapasok sa Pinas, ireport sa ICC

    PINAGSUMITE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agencies ng report sa International Criminal Court (ICC) tungkol sa bilang ng tonelada ng ilegal na droga na nakapasok sa bansa.     Kabilang umano sa ilalagay sa report ang toneladang shabu na araw-araw ay dumadagsa sa Pilipinas, sa kabila […]