Pangako ng gobyerno, maging “more responsive” sa pangangailangan ng mga Filipino- OPS
- Published on August 18, 2022
- by @peoplesbalita
MAGIGING “more responsive” na ang gobyerno sa mga pangangailangan ng mga Filipino
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na maliban sa pagpapalaganap ng impormasyon sa polisiya, programa, aktibidades at achievements, iimbitahan din ng OPS ang publiko na magbigay ng feedback bilang bahagi ng pagsisikap na makapanghikayat ng citizen engagement.
“Hindi lang po kami nagdi-disseminate ng impormasyon. Bahagi po ng ating mandato ay makinig,” ayon kay Cruz-Angeles sa isinagawang virtual attendance sa Senate Committee on Public Information and Mass Media hearing, araw ng Lunes.
Aniya, imo-monitor ng pamahalaan ang social media platforms upang kaagad na makakuha ng tugon mula sa mga mamamayan.
“Mahalaga sa amin ‘yung social media namin dahil nakikita namin dito kung ano yung mga larangan kung saan namin kailangan punuin ng impormasyon na kinakailangan ng taongbayan,” dagdag na pahayag ni Cruz- Angeles.
Tatanggapin din aniya ang feedback via postal system.
Samantala, inaayos naman ng OPS na ilagay ang communication units ng mga ahensiya na nasa ilalim ng Executive Branch sa front line ng impormasyon.
Pinagsisikapan din ng gobyerno na “reduce disinformation, misinformation, and mal-information through streamlining of the information process.”
Ang iba pang plano ay kinabibilangan ng “The National Printing Office and APO Production Unit target to minimize printing costs to attain a long-term goal that will encourage reading and writing books; The Philippine News Agency (PNA) portal will be relaunched as the country’s premier news portal; PTV-4 will become the primary channel for news, public service, and information in the country; IBC-13 is in the works to be the avenue of culture, arts, and educational shows; Philippine Broadcasting Service stations will air more Filipino works in music and literature; at The OPS Digital Media Unit will work with agencies in upgrading their websites to be more responsive, user-friendly, and packed with information.
Sa ilalim ng Executive Order 2, ire-reorganisa ng OPS ang binuwag na Presidential Communications Operations Office (PCOO) at mga attached agencies nito.
Sa kasalukuyan, ang OPS ang nangangasiwa sa operasyon ng state-run TV stations PTV-4 at IBC-13, radio station Radyo Pilipinas, at PNA. (Daris Jose)
-
Tulong medikal at Bayanihan E-Konsulta ni Robredo, ititigil na simula June 1
ITITIGIL na ng Office of the Vice President (OVP) ang kanilang medical assistance at Bayanihan E-Konsulta programs simula sa Hunyo 1. Dahil dito ay hindi na rin tatanggap pa ng anumang aplikasyon para sa medical at burial assistance ang nasabing tanggapan. Ito ay upang magbigay daan sa maayos na transition at […]
-
Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam
Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi. Kinilala nina PNP chief, General Guillermo Eleazar ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan at Jayvee De Guzman o […]
-
212 Navoteños hired-on-the-spot sa mega job fair
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng job opportunities at nagbigay ng suporta sa mga small businesses. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng […]