• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangako ni PBBM, mas malakas na “boses” ukol sa climate change

TITIYAKIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  may malakas na boses ang Pilipinas  pagdating sa usapin na may kinalaman sa epekto ng climate change o pagbabago ng klima.

 

 

Ito’y matapos na matuwa ang Pangulo  nang malaman na nakakuha ang Pilipinas ng puwesto sa  board  ng  Loss and Damage Fund, naglalayong tulungan ang mga mahihirap na bansa na makayanan ang “magastos” o “mahal”  na climate disasters.

 

 

“I am very gratified to hear the news that the Philippines secured a membership on the damage and loss board for the year 2024 and the year 2026, serving as an alternate for 2025,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang  video message.

 

 

“This will give the voice in the management of all funding that is available around the world to mitigate and adapt to the effects of climate change,”  dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran pa nito na “The next step that we are hoping to achieve is to host the damage and loss fund here in the Philippines because after all, we are very much in the mix when it comes on the climate change effects. So this is a good development that we’ll keep working to make sure that the Philippines has a very strong voice when it comes to all the issues of climate change of which we are very severely affected.”

 

 

Nauna rito, sinabi ni  Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na nakasungkit ang Pilipinas ng puwesto sa  board ng  Loss and Damage Fund.

 

 

Aniya pa, magkakaroon ng term sharing sa  board.

 

 

“For the three terms, we will have two years – the first year which is the inaugural year, 2024 and 2026. In the year 2025, we will have a term share with Pakistan who is the other Asia-Pacific country that is also part of the board,” aniya pa rin.

 

 

Para kay Loyzaga, ang Pilipinas ang pinaka-kuwalipikado na mag-host ng Loss and Damage Fund  dahil buhay na testamento ito sa epekto ng climate change. (Daris Jose)

Other News
  • 1,912 new COVID cases, kabuuang 494,605 na sa PH; 40 bagong nasawi

    Halos 2,000 ang panibagong mga kaso ng COVID-19 na naitala ngayon ng Department of Health (DOH).   Ayon sa DOH nasa 1,912 ang karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa dahilan para lomobo pa ito sa 494,605 mula noong nakaraang taon.   Sa ngayon ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ay nasa 5.2% (25,614), habang […]

  • 12 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas

    ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo […]

  • Saludar vs Paradero sa titulo

    PAGRARAMBULAN nina dating World Boxing Organization (WBO) minimumweight champion Vic Saludar at wala pang talong Robert Paradero ang bakanteng World Boxing Association (WBA) minimumweight title sa Sabado, Pebrero 20 sa pinagpipilian pang lugar – Elorde Sports Center sa Parañaque City o Alonte Sports Arena sa Biñan City.     Parehong hindi lumaban sa buong taong […]