• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangako ni PBBM, panatilihing ligtas ang mga mamahayag

SINABI ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na “strongly committed” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na proteksyonan at iligtas ang mga miyembro ng mga mamahayag sa bansa.

 

 

“Marcos is committed to protecting you,” ani  Velicaria-Garafil.

 

 

“Makaaasa kayo na ang ating Pangulo, President Ferdinand R. Marcos, ay patuloy ang pagkilala sa hanay ng media bilang importanteng haligi ng ating demokrasya,” ang sinabi nito sa harap ng media sa idinaos na  round table discussion  na inorganisa ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.

 

 

“Patuloy ang commitment niya na kayo ay proteksyonan at kilalanin ang inyong important role sa nation building,” aniya pa rin.

 

 

Inimbitahan kasi si Velicaria-Garafil sa isang dayalogo sa pagitan ng gobyerno at media matapos na may ilang mamahayag  ang nagpahayag ng pagka-alarma sa “unannounced” na pagbisita ng mga pulis sa kanilang bahay.

 

 

“The implementation of unannounced security strategy was aimed at ensuring the safety of media members in the wake of the murder of popular broadcast commentator Percy Lapid,” ang nakasaad sa kalatas ng OPS.

 

 

“However, Abalos noted that the move had ‘raised alarm and fear’ among journalists,” ayon pa rin  sa kalatas.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Abalos na inatasan na niya ang  Philippine National Police (PNP) na ihinto ang  visitation program, at sa halip ay magdaos ng dayalogo kasama ang mga media companies at journalists’ groups.

 

 

“The government wants to know what journalists need from the police for them to feel safe while doing their jobs,” ani  Abalos. (Daris Jose)

Other News
  • Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila – Duque

    NAG-PEAK na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw.     “Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang por­syentong inaambag nito sa ating total caseload,” […]

  • MARGOT ROBBIE, A FORCE OF DISRUPTION IN “BABYLON”

    TWO-TIME Oscar-nominee Margot Robbie plays Nellie LaRoy, an unknown actress who is trying to get her big break into show business, in Paramount Pictures’ critically acclaimed epic, Babylon. A tale of outsized ambition and outrageous excess, the film traces the rise and fall of multiple characters during an era of unbridled decadence and depravity in early Hollywood.  […]

  • Eala at Spoelstra, naispotan sa Miami

    Nagkita si Miami Heat coach Eric Spoelstra at Filipina tennis star Alex Eala.   Sa social media account ng Heat ay ibinahagi nila ang larawan na magkasama sina Spoelstra at Eala.   NItong Huwebes ay tinalo ng Heat ang New York Knicks 127-120.   Habang si Eala ay naglaro sa Miami Open tennis pero nabigo […]