Pangako ni PBBM, pangangalagaan ang lumalalim na ugnayan ng Pinas sa Cambodia
- Published on August 30, 2024
- by @peoplesbalita
NANGAKO ang gobyerno ng Pilipinas na pangangalagaan nito ang lumalalim na bilateral relations sa Cambodia gaya ng ginagawa nitong patuloy na pangangalaga sa mga kaalyadong estado sa buong mundo.
Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa courtesy call ni Cambodia’s Deputy Prime Minister Sok Chenda Sophea, araw ng Martes.
“I hope we can continue this. We will foster this relationship and continue to improve the relationship that we have had for many, many years,” ayon kay Pangulong Marcos.
Si Sok Chenda Sophea ay nasa Pilipinas para tumayong co-chair para sa 4th meeting ng Cambodia-Philippines Joint Commission for Bilateral Cooperation sa Pilipinas bunsod na rin ng imbitasyon ng Department of Foreign Affairs.
Layon ng pagpupulong na i-assess ang progreso kung saan ginawa ang pagpapatupad ng mga kasunduan na napagtagumpayan ng dalawang bansa sa panahon ng 3rd meeting ng Cambodia-Philippines JCBC noong December 2021.
Kapwa naman napanatili ng Pilipinas at Cambodia ang masayang ugnayan ng mga ito simula ng magpatuloy ang kanilang diplomatic relations noong 1995. (Daris Jose)
-
Hepe ng pulisya, kulong sa pakikipagsiping sa 2 babaeng preso
KULONG ang sinapit ng isang hepe sa lalawigan ng Cebu dahil sa pakikipagsiping at pagpapatulog nito sa dalawang inmate sa kanyang kuwarto. Inaresto ang hepe ng Argao Municipal Police Station na si Police Chief Insp. Ildefonso Viñalon Miranda Jr. matapos ireklamo umano ito na nagpapasok ng babaeng preso sa kanyang opisina. Natuklasan sa […]
-
Base sa mga photos na pinost sa Instagram: CARLO at CHARLIE, pinagdududahang may relasyon kaya todo-react ang mga netizens
PINAGDUDUDAHAN ng mga netizens kung mayroon na ba o namumuo pa lang relasyon sina award-winning actress Charlie Dizon at award-winning actor na si Carlo Aquino? Ang Kapamilya actress mismo ang nag-upload ng photos na kung saan katabi niya si Carlo na kapansin-pansin na nakahawak pa sa kanyang hita. Habang nasa balikat naman ng […]
-
5 timbog sa pot-session sa Valenzuela
LIMANG hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head PLT Joel Madregalejo ang mga naaresto na sina Mary Jane Montemayor, 35, Sharijune Santos, 32, John Paul […]