• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangako ni PBBM: Pinas, walang isusuko na kahit isang pulgada sa teritoryo nito

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang isusuko na  kahit na isang pulgada ang Pilipinas sa teritoryo nito sa gitna ng kasalukuyang  geopolitical tension.

 

 

Sa katunayan, nangako ang Pangulo na makikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa para masiguro ang kaligtasan ng mga  Filipino.

 

 

“The country has seen heightened geopolitical tensions that do not conform to our ideals of peace and threaten the security and stability of the country, of the region, and of the world,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa idinaos na Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming 2023 sa Baguio City.

 

 

“This country will not lose one inch of it’s territory. We will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law. We will work with our neighbors to secure the safety and security of our peoples,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Aniya pa,  ang kasalukuyang operating environment ay “uncertain and grows increasingly complex” at sa nakalipas na pitong buwan ay ginagawa aniya ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para patnubayan at gabayan ang bansa tungo sa  high-growth trajectory.

 

 

Habang patuloy na dine-develop  ng bansa ang  internal resources nito,  sinabi ng Chief Executive na kailangan na isulong ng bansa ang “path of prosperity” na makapag-aambag sa mga layunin nito na ibahagi sa  international community.

 

 

“We have cemented our bilateral relations with our allies, with partners, with our friends. And as we work on translating these investments into material benefits for our people, we must ensure that we continue to preserve the security and the safety of our nation,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sinabi naman ni Pangulong Marcos sa mga  PMA alumni na sa  kahit na anumang kapasidad, umaasa siya na ipagpapatuloy ng mga ito ang   “lead a life of service beyond self—an ethos that can attribute to a premier institution such as the PMA. ”

 

 

Binati ang mga awardees  ngayong taon para sa kanilang kani-kanilang tungkulin, hinikayat ng Pangulo ang  alumni na ang kanilang “exemplary work” ay maging “emulated and ignite a desire for service in our young cadets.”

 

 

“Inspire them once more to become leaders of character. Stay true to the ideals and values—such as integrity, service before self, and professionalism— that you have gained from the Academy that everyone should innately possess as public servants,” ayon sa Pangulo.

 

 

Simula ng maitatag ang PMA noong 1930, nakalikha ito ng “selfless individuals” na inialay ang kanilang sarili para ipagtanggol ang bansa  at  pangalagaan  ang “democratic ideals” at kalayaan na tinatamasa ngayon ng mga mamamayang Filipino.

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang PMA alumni para sa kanilang kontribusyon sa  bansa.

 

 

Ang kanya aniyang gobyerno ayon sa Pangulo ay patuloy na ide-develop ang bansa at maghahangad ng mas maayos na buhay para mga mamamayang filipino bilang pagdakila dahil isinakripisyo ng mga ito  ang kanilang buhay para sa kapakanan ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • TOROTOT AT PITO, PINAPAIWAS SA BAGONG TAON

    HINDI pinapayo ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng “torotot” o kahit ang “pito” (whistle) sa pagsalubong ng Bagong Taon. Sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje sa virtual launching ng Tuloy ang Paskong Pinoy 2020:Iwas Paputok Campaign,” mas mainam na umiwas sa SKERI at doon tayo sa KERI na mga paraan. Ayon kay Cabotaje, […]

  • DOST-FNRI launches ‘new variant’ of enhanced nutribun made of carrots

    The Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) launched its newest innovation: an enhanced nutribun made of carrots.     “Carrots is like a squash and other colored fruits and vegetables that contain beta carotene. (Beta carotene) when ingested will be metabolized to vitamin A that helps keeps the eye healthy, and […]

  • NAKIISA ang lungsod ng Navotas sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas

    NAKIISA ang lungsod ng Navotas sa Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan sa Bagong Pilipinas na inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ni Pangulong Bongbong Marcos na naglalayong isulong ang bayanihan sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga komunidad. Personal din na bumisita sa lungsod si DILG Secretary Benhur […]