Pangakong pagsakay sa Jetski papuntang West Philippine Sea, pure campaign joke-PDu30
- Published on May 13, 2021
- by @peoplesbalita
“It was a pure campaign joke.”
Ito ang inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa kanyang sinabi noong 2016 ukol sa pagsakay niya sa jetski para pumunta ng West Philippine Sea at sabihin sa mga Tsinoy na pag-aari ito ng Pilipinas.
Patuloy kasing inuungkat ng kanyang mga kritiko ang naging pahayag nito sa presidential debate na sasakay siya ng jetski papuntang Spratly Islands para igiit sa China na teritoryo ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS).
“Panahon ng kampanya ‘yan. ‘Yung biro na ‘yung, we call it bravado. ‘Yung bravado ko was pure campaign joke,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.
At kung naniniwala ang mga taga-oposisyon o taga-kabila sa kanyang sinabi ay istupido ang mga ito.
Matatandaang sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na metaphor lamang ang sinasabi ng Pangulo dahil bagama’t naging matalinghaga, malinaw naman ang paninindigan ng punong ehekutibo na hindi isusuko ang teritoryo ng Pilipinas.
Matatandaang taong 2016, nang naging pangako ni Pangulong Duterte sa kampanya nito na sasakay siya ng jetski patungong Spratlys para iwagayway ang watawat ng Pilipinas
Samantala, kaugnay sa problema sa West Philippine Sea sinabi ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., na hindi mareresolba sa pamamagitan ng pwersa ang isyu sa WPS.
Bagama’t kasi patuloy pa rin ang panamantala ng China, mas mabuting huwag magmadali at magpadala sa bugso ng damdamin ang gobyerno at idaan sa pakikipag-usap ang isyu. (Daris Jose)
-
Ads June 7, 2021
-
Matapos na maging box-office hit sa ‘Cinemalaya XX’: ‘Balota’ na pinagbidahan ni MARIAN, mapapanood na nationwide
MAGANDANG balita para sa mga supporter ng “Balota” ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula October 16. Matatandaang nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy. Ang “Balota” ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda. Inanunsyo ito ng GMA […]
-
Passing mark ng US Homeland Security, nasungkit ng NAIA
NABIGYAN ng passing mark ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng United States Department Homeland Security (DHS) matapos ang mga nakaraang pagbagsak sa mga security deficiencies ng premier airport ng bansa. Sa isang pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sinabi nitong ang mga dumating na inspectors mula sa Transportation Security Administration (TSA), isang ahensiya […]