Panganay na anak ni LeBron James na si Bronny kinuhang endorser na ng isang sports brand
- Published on October 12, 2022
- by @peoplesbalita
PUMIRMA ng endorsement deal sa sports apparel na Nike ang panganay na anak ni Los Angeles Lakers star LeBron James na si Bronny.
Isa lamang si Bronny sa limang amateur basketball players na pumirma ng endorsement deals.
Una naging bahagi si Bronny ng Nike marketing ng pinakabagong sneakers na Nike LeBron 20.
Hindi naman binanggit dito kung magkano ang halaga ng nasabing kontrata.
Ang NBA star pumirma ng lifetime Nike deal noon pang 2015.
Tatlong mga babae ang pumirma sa kontrata na sina JuJu Watkins mula sa Sierra Canyon ; Caitlin Clark ng University of Iowa; Haley Jones ng Standford at ang pang-lima ay si D.J. Wagner ng New Jersey high school.
-
PSC inilabas na ang P3.3-M pondo para sa lalahok ng Beijing Winter Olympics
INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paglabas ng P3.3 milyon para sa mga lalahok sa Beijing Winter Olympics na magsisimula sa Pebrero 4. Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na siyang nag-request ng pondo. Tanging si Filipino-Americna alpine skier Asa Miller ang nag-iisang manlalaro ng bansa […]
-
4 sports idinagdag sa Vietnam SEA Games
IKINATUWA ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagsama ng apat na karagdagang sports sa 2021 Vietnam Southeast Asian Games. Ilan kasi sa idinagdag na bagong sports ay ang Jiu jitsu, triathlon, bowling at esports. Sinabi pa ni Tolentino na ang pagsama ng nasabing apat na sports ay mula sa […]
-
3 BEST tankers itinanghal na MOS sa Tokyo
Tatlong miyembro ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ang itinanghal na Most Outstanding Swimmers (MOS) sa kani-kaniyang dibisyon sa 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships na ginanap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan. Nangunguna sa listahan si Kristian Yugo Cabana na nakalikom ng kabuuang 49 puntos para masungkit ang MOS award […]