• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangangailangan sa pagdaragdag ng hotline para sa mga naghahanap ng ospital, handang i-ugnay ni Sec. Roque sa mga telcos

HANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na muling makipag- ugnayan sa mga telecommunication companies para maragdagan ang linya na maaaring matawagan ng mga mamamayan na naghahanap ng ospital upang doon madala ang mga kaanak nilang seryosong tinamaan ng virus.

 

Sa harap na rin ito ng ulat na nahihirapang makapasok sa One Hospital Command Center hotline ang mga nais magtanong kung ano- anong mga pagamutan pa ang bakante kung saan maaaring ma- admit ang nakapitan ng COVID-19 na nangangailangan ng atensiyong medikal.

 

Sinabi ni Sec. Roque na maaari siyang muling mamagitan sa mga telecoms provider kung kailangan para sa mas marami pang linya lalo na’t hindi kataka- taka na mas maraming tumatawag sa hotline ng One Hospital Command.

 

“I was instrumental actually in increasing the telephone lines to the One Hospital Command Center if you will remember ‘no in one of my press briefings,” ani Sec.Roque.

 

Importante aniyang masiguro na magiging madali ang access ng ating mga kababayang naghahanap ng pagamutang maaari nilang pagdalhan sa kanilang kaanak na nag-positibo sa COVID.

 

Naniniwala naman si Sec. Roque na hindi problema ang manpower gayong ibinuhos na aniya ng buong byurukrasya maging ng mga private call center operators ang kanilang puwersa para sumagot sa mga inquiry ng mga naghahanap ng pagamutan para sa kanilang kaanak na nadapuan ng corona virus.

 

“I called the telecoms provider ‘no. If we need to contact the telecoms provider again for more lines, we will do it. But as far as manpower is concerned, I don’t think we have a problem with manpower because we are harnessing the entire bureaucracy of government for this purpose, and even the private sector because these are manned actually by private call center operators ‘no.

 

So if the problem is additional telecom facilities, we will make arrangements again to increase the number of lines so that anyone can access the One Hospital Command Center,” ang pahayag nito.

 

“We’ll look into that because I know we’re utilizing private call center’s operators for this purpose who are experienced in dealing with this line of business. But I will check with Usec. Vega what else he needs so that the Palace can give the necessary assistance,” dagdag na pahayag nito.

Other News
  • Delta variant umabot na sa Taguig

    Kinumpirma kahapon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na ­umabot na sa kanila ang pinangangambahang Delta variant ng CO­VID-19, base sa resulta ng pagsusuri sa mga samples ng COVID-19 patients.     “May isa po tayong kaso ng Delta variant o iyong nanggaling sa India,” ayon kay Clarence Santos, pinuno ng Taguig Safe City Task Force […]

  • PAGLUWAG SA TRAVEL RESTRICTION, HUDYAT NG PAGTAAS NG DAYUHANG BIYAHERO SA BANSA

    UMAASA ang Bureau of Immigration (BI) na ang pagluluwag sa travel restrictions ay hudyat na  tataas ang bilang ng mga biyahero sa Pilipinas.     Sinabi ng BI Commissioner Jaime Morente na ang pag-aalis ng RT-PCR requirement para sa mga paparating na biyahero at ganap na bakunado at kahit na isang booster shot ay nakakaengganyo […]

  • Ads August 23, 2023