Pangangampanya sa Holy Thursday, Good Friday bawal – PNP
- Published on April 7, 2022
- by @peoplesbalita
PINAGBABAWAL ang pangangampanya sa April 14, Holy Thursday at April 15, Good Friday.
Ito ang paalala ni Philippine National Police chief General Dionardo Carlos sa lahat ng mga kandidato ngayong eleksyon.
Ayon kay Carlos ito ay batay sa calendar of activities na ipinasa ng Commission on Elections (COMELEC) at pagbibigay respeto sa paggunita sa Holy Week
Sinabi ni Carlos na mahigpit nilang babantayan ang mga aktibidad sa mga pampublikong lugar sa mga nabanggit na mga araw gayundin ang mga politiko at kanilang mga supporters.
Agad nilang ipaaalam ito sa Comelec upang mabigyan ng kaukulang parusa.
Ang paalala ay ginawa ng PNP chief kasabay ng paghahanda ng PNP para sa darating na Semana Santa.
Una nang binilinan ng PNP chief ang lahat ng field commanders na siguraduhin ang police visibility at magtatag ng mga police assistance centers sa mga lugar na tradisyunal na dinudumog ng mga tao sa panahong ito, partikular sa mga transportation hubs at sa mga major highways patungo sa mga lalawigan.
Kamara naghahanda na sa canvassing of votes
Naghahanda na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa Consolidation and Canvassing System (CCS) sa posisyon ng presidente at bise presidente sa bansa.
Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang canvass of votes ay kabilang sa pinakamahalagang constitutional mandate ng Kongreso.
Nitong Lunes ay nagsagawa ang ilang mga mambabatas sa Kamara ng executive session para sa briefing ng Comelec sa National Board of Canvassers-Congress para sa paggamit ng CCS sa halalan.
Samantala, tiniyak naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa publiko partikular na sa mga botante na bawat boto ay mabibilang ng tumpak.
Ang deployment ng CCS equipment ay inaasahan sa huling linggo ng Abril.
-
Ads February 21, 2024
-
Limang de-kalibreng pelikula, matindi ang labanan sa Best Picture; SYLVIA, CRISTINE, BELA, COLEEN at CHARLIE, bakbakan sa Best Actress sa ‘4th EDDYS’
INILABAS na ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang official list of nominees para sa ikaapat na edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa Marso 22. Virtual itong mapanood sa pamamagitan ng streaming sa iba’t ibang platforms, tulad ng SPEEd Facebook page, sa YouTube channel ng mga miyembro ng SPEEd at […]
-
Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta
MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors. Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong […]