Pangingisda, pinapayagan na ngayon sa katubigan sa pitong bayan sa Oriental Mindoro
- Published on May 9, 2023
- by @peoplesbalita
IDINEKLARA ng oil spill task force na nasa “acceptable standards” na para sa fishing activities ang municipal waters ng Clusters 4 at 5 sa bayan ng Oriental Mindoro na labis na tinamaan ng oil-spill.
Ayon sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO), ibinatay ng Task Force MT Princess Empress Oil Spill Incident ang kanilang desisyon sa pinakabagong laboratory tests results ng tubig at isda na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Abril 17 at 24.
Ang Cluster 4 ay binubuo ng mga munisipalidad ng Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao, habang ang Cluster 5 ay binubuo naman ng munisipalidad ng Puerto Galera, Baco, at San Teodoro.
Sinabi pa ng task force na ang katubigan ng Clusters 1, 2 at 3, binubuo ng bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria ay Bansud, ay hindi pa rin rekumendado para sa fishing activities bunsod ng panganib ng kontaminasyon ng oil spill na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis.
Idinagdag pa ng task force na mananatiling ipinatutupad ang precautionary measures kung saan ang antas ng kontaminsayon ay mayroong panganib para sa food safety mga isda at fisheries products.
Sa gitna ng kaganapan na ito, sinbai ng PCO na ang time-series monitoring ng lahat ng sites ay magpapatuloy ayon sa scheduled sampling plan ng BFAR.
Samantala, patuloy namang nagsasagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng kanilang air at water sampling kabilang na ang hazardous waste monitoring at management ng lahat ng apektadong lokalidad.
Sinabi ng DENR na sa Region 4B, ang lahat ng lugar na matatagpuan sa hilaga ng ground zero o bayan ng Naujan ay mayroong mababang naitalang “oil at grease” kumpara sa katimugan.
Idinagdag pa ng DENR na “all monitored shorelines affected by the oil spill have generally improved and all monitored areas in the municipality of Pola are all within the water quality guidelines for oil and grease based on the last sampling result available.” (Daris Jose)
-
Ads July 19, 2021
-
Unlock exclusive HBO GO’s ‘Wonka’ goodies and more with Globe At Home’s upgrade offer
INSPIRED by the success of the film “Wonka,” which captivated global audiences when it was released in December, Globe At Home is offering its postpaid subscribers a complimentary viewing experience via HBO GO and special goodies when they upgrade their plans online at http://glbe.co/GAHPlanUpgradeForm. Starting March 8, customers who upgrade to GFiber Plan 2699 […]
-
Australian visit ni PBBM, makapagpapalakas sa umiiral na “bonds of cooperation”
LUMIPAD kahapon Feb 28, Miyerkoles si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungo ng Canberra para palakasin ang umiiral na “bonds of cooperation” at talakayin ang mga bagong paraan ng pakikipagtulungan sa Australia. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na magsasagawa ang Pangulo ng […]