Panguil Bay Bridge, pasisiglahin ang economic activities sa Mindanao
- Published on September 28, 2024
- by @peoplesbalita
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na magiging masigla na ang economic activities sa Mindanao sa tulong ng Panguil Bay Bridge.
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na umabot ng dekada para maitayo ang tulay mula sa naging balak o plano pa lamang hanggang inagurasyon.
”I just said we waited for this for such a long time. If I had a peso for every time someone asks me when we will finish the Panguil Bay Bridge, I would already be able to fund a second bridge by now. But today, the waiting has ended,”ayon kay Pangulong Marcos.
”We all know that the increased economic activity is going to be an important development building block for both the provinces and the entire island of Mindanao,” dagdag na wika ng Chief Executive.
Sinabi naman ng Presidential Communications Office, ang P8.03-billion Panguil Bay Bridge ang kinokonsiderang pinakamababa sea-crossing bridge ng Mindanao na may 3.1 kilometro.
Nagkokonekta ito sa Tangub City sa Misamis Occidental at bayan ng Tubod sa Lanao del Norte.
Ang actual work ng disensyo at konstruksyon ng two-way, two-lane bridge na nagkokonekta sa Misamis Occidental at Lanao del Norte provinces ay nagsimula noong Pebrero 28, 2020 at nakompleto ngayong buwan.
Sinasabing mababawasan ang land travel time sa pagitan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte ng 7 minuto lamang mula sa mahigit dalawang oras.
Inaasahan din na maaayos ng Panguil Bay Bridge Project ang transport systems na nag-uugnay sa coastal areas ng rehiyon at mapabibilis ang 24/7 na pagkilos ng mga tao, kalakal at serbisyo, itinutulak ang paglago ng ekonomiya sa mga nakapaligid na lugar.
(Daris Jose)
-
LTFRB: Libreng sakay babalik
TINITINGNAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng pagbabalik ng programa sa libreng sakay para sa EDSA carousel sa darating na ikalawang quarter ng taon. “The government has allotted funding for the librengsakay program but has yet to download the amount to the agency,” wikani LTFRB technical division head Joel […]
-
Hotshots tinuhog ang quarterfinals
KUMAWALA ang Magnolia sa third period patungo sa 103-83 pagpapalubog sa Phoenix para angkinin ang unang quarterfinals berth sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum. Nagsumite si import Mike Harris ng 20 points, 13 rebounds, 2 assists at 2 steals para sa 6-0 record ng Hotshots habang may 18 markers si […]
-
DELTA VARIANT SA CAVITE AT BATANGAS, LOCAL TRANSMISSION LANG
KLINARO ni Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo na ang limang kaso ng Delta variant sa rehiyon ay pawang mga local cases lamang at hindi isang local transmissions. Ayon kay Janairo na may limang naiulat na kaso at sa limang naiulat, tatlo dito […]