Pangulong Marcos ‘di dadalo sa Peace Summit ni Zelenskyy
- Published on June 13, 2024
- by @peoplesbalita
IPAPADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconcialiation and Unity Carlito Galvez, bilang kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.
Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), subalit hindi naman tinukoy kung bakit hindi makakadalo si Pangulong Marcos sa naturang summit.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nagtungo sa Malakanyang si Ukrainian President Vlodymyr Zelenskyy para personal na imbitahin si Pangulong Marcos sa nasabing conference.
Hiningi rin ni Zelenskyy ang tulong ng Pilipinas para sa mental health professional dahil karamihan sa kanilang mga sundalo at sibilyan ay nangangailangan ng mental wellness dulot na rin ng patuloy na giyera sa Russia.
Ang peace summit ay gaganapin sa Hunyo 15-16 sa Switzerland kung saan inaasahan na ang Ukraine ay gagawa ng isang draft resolution para matapos na ang 28 buwan na giyera sa Russia.
Inaasahan naman na 90 mga bansa ang dadalo sa Ukraine peace conference sa Lucerne. (Daris Jose)
-
High-capacity mass transit, susi para resolbahin ang matinding daloy ng trapiko- Dizon
KUMBINSIDO si Transportation Secretary Vivencio “Vince” Dizon na ang prayoridad ng pamahalaan na i-develop ang high-capacity mass transit systems—gaya ng Metro Manila Subway ay North-South Commuter Railway—ay solusyon para sa traffic congestion sa Kalakhang Maynila at kalapit lalawigan. “The ultimate solution to traffic is really mass transit… high-capacity mass transit,” ayon kay Dizon sabay […]
-
Irving isinusulong na gawing logo ng NBA si Bryant
Desidido pa rin si Brooklyn Nets star Kyrie Irving na dapat ipalit si Kobe Bryant sa logo ng NBA. Kabilang kasi si Irving sa inilunsad na petition noong 2020 ng pumanaw ang Los Angeles Lakers star sa helicopter crash kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa. Sinabi ni […]
-
Cruz may 3-year deal sa SMB
PUMIRMA si Jericho Cruz ng tatlong taong kontrata sa San Miguel Beer matapos mapaso ang kontrata nito sa NLEX Road Warriors noong Lunes. Mainit na tinanggap si Cruz ng pamunuan ng Beermen sa pangunguna nina team governor Robert Non at team manager Gee Abanilla. Kasama ni Cruz sa contract signing si […]