Pangunguna ni VP Leni sa isang Presidential survey para sa 2022 elections, wishful thinking lang-Malakanyang
- Published on May 31, 2021
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang, wishful thinking lang ang lumabas sa isang presidential survey para sa 2022 elections kung saan nanguna si Vice President Leni Robredo.
Batay kasi sa PiliPinas 2022 Online Survey Platform for Presidential Candidates, nanguna si Robredo makaraang makakuha ng 34.27 percent na boto, pangalawa si Davao City Mayor Sara Duterte na may 18.06 percent, Senador Manny Pacquiao na may 16.31 percent, dating Senador Bongbong Marcos na may 12.08 percent, Manila Mayor Isko Moreno na may 7.29 percent, Senador Bong Go na may 7.05 percent at Senador Grace Poe na may 4.94 percent.
Giit ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa nga niya narinig ang nasabing polling company na nagsagawa ng survey.
“Naku, mukhang wishful thinking po iyan at hindi ko pa naririnig ang polling company na iyan,” ayon kay Sec. Roque.
Bukod dito, wala rin aniya siyang ideya kung ano ang naging proseso ng kumpanya sa pagsasagawa ng survey.
Para kay Sec. Roque, naniniwala pa rin siya sa cross sampling method na survey kung saan nakapagtrabaho na rin siya sa isang pamantasan na pinagmulan ng naturang proseso.
Aniya, ang dapat na pinaniniwalaan pa rin ay ang mga mapagkakatiwalaang polling company dahil batid niya ang proseso kahit na 1,200 lamang ang kinukuhang sample sa mga respondents.
Sinabi nito na kapag random ang statistical survey nagiging accurate ang resulta.
“Hindi ko po alam kung ano ang naging proseso ng kompanyang ito at sa totoo lang, hindi ko pa naririnig pa iyang kompanyang iyan,” pahayag ni Roque. (Daris Jose)
-
Metro Manila malapit ng magkaroon ng 6 police districts
MALAPIT ng magkaroon ng anim na police district ang National Capital Region (NCR) kasunod ng panukalang Caloocan City Police District (CCPD) na nangangailangan lamang ng green light mula sa National Police Commission (Napolcom). Ayon kay City Police Station chief Col. Ruben Lacuesta na ang panukala ay matagal nang isinumite ng mga nakatataas sa […]
-
Pilipinas may sariling 3-on-3 basketball league na
Mayroon ng sariling professional 3-on-3 basketball league ang Pilipinas. Ito ay matapos na bigyan ng Games and Amusement Board ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 League sa bansa. Ayon kay GAB Chairman Baham Mitra, na tinanggap nila ang interest ng Chooks-to-Go 3×3 na maging professional. Pinasalamatan naman ni Chooks-to-Go league commissioner Eric Altamirano ang […]
-
Sangley Airport, pinasinayanan ni Duterte
PINASINAYANAN ni President Rodrigo Duterte ang Sangley Airport development project na may layuning maibsan ang flight delays at air traffic congestion sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sa ngayon ay ongoing pa rin ang construction ng bagong commercial airport kung saan ito ay nakikitang magiging isang international hub. “I vowed to ride my […]