PANIBAGONG HOUSING PROJECT NG MANILA LGU, INILUNSAD SA BASECO
- Published on December 24, 2020
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang panibagong housing project ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila.
Pinangunahan nina Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ang mga konsehal sa Distrito 5 ng lungsod ang ground breaking ceremony kaugnay sa proyektong pabahay ng lokal na pamahalaan kung saan plano nila na magpatayo ng Townhouse type sa Baseco upang mabigyan ng sariling tahanan na matutuluyan ang mga mahihirap na pamilya dito.
Batay sa plano, nasa two storey ang itatayo na binubuo ng may 229 units ang nasabing BaseCommunity. 42-square meters ang nakalaan sa bawat pamilya na may dalawang kuwarto sa bawat pabahay.
“Ipakikita natin sa buong bansa paano magtatag ng tunay maaliwalas at sapat na espasyo na pabahay sa mahirap. Bakit po? Dahil alam ko ang pakiramdam ninyo na kapag umuulan na, lahat ng timba, tabo at planggana ay nasa higaan at nakabaluktot ang paa mo dahil tumutulo ang tubig sa bubong n’yo,” ani Domagoso.
“Mahirap sa pakiramdam na kapag galing ka sa trabaho, ang laging nasa isip ninyo ay kung ang bahay ninyo ay nakatirik pa dahil ang bahay na kinatitirikan niyo ay hindi sa inyo,” dagdag pa ng Alkalde.
Bukod sa BaseCommunity housing project, nauna nang inilunsad at sinimulan nang itayo ang Tondominium 1 & 2 at Binondominium. Layon ng mga nasabing proyektong pabahay na magkaroon ng sariling tahanan at maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap na isa sa mga pangarap ni Domagoso para sa mga Manilenyo. (GENE ADSUARA )
-
Sec.Andanar, nagpaabot ng panalangin sa agarang paggaling ni Sec. Diño na nagpositibo sa Covid-19
NAGPAABOT ng panalangin si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar para sa mabilis na paggaling ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Diño na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). “We extend our prayers of speedy recovery and good health to Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Diño after […]
-
‘Di paglalaan ng pondo sa PhilHealth, kukuwestyunin sa Korte Suprema
INAMIN ni dating budget undersecretary at UP economic Prof. Cielo Magno na hindi akma sa kasalukuyang sitwasyon para sa mga benepisaryo ng PhilHealth ang pagtanggal ng budget para dito. Giit niya, hindi tamang mapunta ang epekto sa mga recipient ng tulong dahil lamang sa kabiguan ng ilang opisyal na ma-utilize ang kanilang budget. […]
-
Para maranasan ang ‘hospitality’ ng mga pinoy: mamamayan ng Czech, niligawan ni PBBM na bumisita sa Pinas,
NILIGAWAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga mamamayan ng Czech Republic na bisitahin ang Pilipinas at maranasan ang hospitality o kagandahang-loob ng mga filipino. Sa kanyang bilateral meeting kasama si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, binanggit ni Pangulong Marcos ang regional airports na na-develop at upgraded para itaas ang accessibility sa mga local […]