Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers
- Published on May 2, 2024
- by @peoplesbalita
DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.
Ngayong taon, sunud-sunod na umabot sa mataas na heat index ang bansa. Bilang tugon, nakahanap ng paraan ang pamahalaang lungsod upang matulungan ang publiko.
Sa kabuuang halaga na PhP 12,750,000, bumili ang pamahalaang lungsod ng dalawang mobile shower at toilets na may kasamang apat na shower enclosure, apat na palikuran, handwash basin, at isang folding clothes rack sa bawat mobile shower. Ito ay karagdagan sa disaster response fleet ng lungsod na ipapakalat sa mga evacuation center. Araw-araw itong iikot sa bawat barangay upang ang Pamilyang Valenzuelanos na nakakaranas ng kakulangan sa tubig ay maari nilang magamit ng libre ang mga shower room.
“Ito pong dalawang mobile shower ay papaikutin po natin sa atin pong komunidad, at uumpisahan natin yan dito sa [Barangay] Parada. Libreng shower po ‘yan, libreng toilet… ito po ay iikot dahil po may mga komunidad tayo na medyo may kaunting power interruption, at hindi po sila makaligo dahil walang kuryente sa kanilang bahay. Kaya po sa pamamagitan po ng mobile shower natin, araw-araw [ay] papaikutin po natin… para po maiwasan natin ang sakit na mula sa heat wave na nararanasan natin ngayon.” mensahe ng Mayor Wes. (Richard Mesa)
-
BBM ipinag-utos ang pagpapaliban ng LRT fare increase
INAPRUBAHAN ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 1) subalit ipinag-utos naman ni President Marcos na ipagpaliban muna ito. Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na pinayagan nila ang Light Manila Corp. (LRMC), na siyang namamahala sa operasyon ng LRT1, […]
-
VP Robredo bumanat vs 4 na karibal sa halalan
HINDI bibitaw sa pangangampanya para sa pagkapangulo si Bise Presidente Leni Robredo matapos pagkaisahan ng kampo ng mga katunggaling sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Norberto Gonzales sa isang joint press briefing. Linggo nang manawagan sina Domagoso na dapat nang umatras sa presidential race si […]
-
Number coding pinag-aaralang palawakin sa Alert Level 1
PINAG-AARALAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapalawak sa number coding scheme sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa oras na ipatupad na ang Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR). Ito ang inihayag ni MMDA Officer-in-Charge at General Manager Atty. Romando Artes matapos nga ang ginawang rekomendasyon ng […]