• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukala na maglilibre ng buwis sa kita ng mga frontliners, aprubado

Bilang pagkilala at parangal sa hindi matatawarang paglilingkod ng mga medical frontliners sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa huling pagbasa ang House Bill 8259, na naglalayong ilibre sa buwis sa taong 2020 ang mga manggagawa sa kalusugan.

 

 

Ang panukalang “Handog sa mga Bayaning Lumaban Kontra COVID-19 Act,” na pangunahing iniakda ni Deputy Speaker Michael Romero, ay naglalayong hindi pagbayarin ng 25% buwis sa kita ang mga medical frontliners.

 

 

Itinuturing sa panukala na ang mga medical frontliners ay kinabibilangan ng mga manggagawa sa kalusugan na naglilingkod sa mga ospital, klinika at mga institusyong medikal, maging pribado o pampubliko, na pangunahing gumagamot sa mga pasyenteng nahawaan ng COVID-19.

 

 

Kabilang dito ang mga kawani ng administrative office, support personnel at staff, anuman ang estado ng kanilang trabaho.

 

 

Dagdag pa dito, ipinasa rin ng mga mambabatas ang HBs 8461 at 8512, na naggagawad ng kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas na suspindihin ang nakatakdang pagtataas ng bayad sa kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth at SSS sa panahon ng pambansang kagipitan; HB 8179 o ang “Sustainable Forest Management Act”, at HB 8242 o ang “Right to Adequate Food Act.”

 

 

Pinuri naman ni Speaker Lord Allan Velasco ang mabilis na pagpasa ng Kamara sa dalawang mahahalagang panukala na naggagawad ng kapangyarihan kay Pangulong Duterte, na suspindihin ang nakatakdang pagtataas ng bayad sa kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Socal Security System (SSS) “sa panahon ng pambansang kagipitan” tulad ng pandemyang dulot ng COVID-19.

 

 

Ang kambal na panukala ay nagbibigay ng pahintulot sa Pangulo, sa pakikipag-ugnayan sa mga Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Pinansya bilang mga ex-officio chairpersons ng Philhealth at SSS, ayon sa pagkakasunod, “na suspindihin ang implementasyon ng nakatakdang pagtataas ng mga kabayaran sa kontribusyon sa panahon ng pambansang kagipitan, para sa kapakanan ng publiko kung kinakailangan.” (ARA ROMERO)

Other News
  • Triple-double ni Doncic, susi sa OT win ng Mavs vs Kings

    Gumawa ng makasaysayang triple-double si Luka Doncic kasabay ng 114-110 overtime win ng Dallas Mavericks kontra sa Sacramento Kings.   Bumuslo ang 21-anyos na si Doncic ng 34 points, career-high 20 rebounds at 12 assists, kaya itinanghal ito bilang pinakabatang player na nagtala ng 30 o mahigit pang puntos, 20 o mahigit pang rebounds, at […]

  • Napagod na buhay na parang naka-kahon: HEART, masaya sa naging desisyon at ipaglaban ang kaligayahan

    NAKAUSAP namin si Heart Evangelista kamakailan sa launch niya bilang celebrity endorser ng Zion massage chair at isa sa natanong naming sa kanya kung sino si Heart Evangelista ngayon?     “I think… oh wow! I’ve come a long way… I feel… Before I would say I’m thirty-ganyan but I have the mind of a […]

  • ‘Deleter’, big winner sa Gabi ng Parangal ng ‘MMFF 2022’: NADINE at IAN, waging best actress at best actor na, stars of the night pa

    BIG winner ng horror-suspense movie na “Deleter” ng Viva Films sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022 na ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, noong December 27.     Nagsilbing hosts sina Giselle Sanchez, Cindy Miranda at BB Gandanghari.     Si Nadine Lustre ang itinanghal na Best Actress […]