• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Triple-double ni Doncic, susi sa OT win ng Mavs vs Kings

Gumawa ng makasaysayang triple-double si Luka Doncic kasabay ng 114-110 overtime win ng Dallas Mavericks kontra sa Sacramento Kings.

 

Bumuslo ang 21-anyos na si Doncic ng 34 points, career-high 20 rebounds at 12 assists, kaya itinanghal ito bilang pinakabatang player na nagtala ng 30 o mahigit pang puntos, 20 o mahigit pang rebounds, at 10 o mahigit pang assists sa pagtatapos ng isang laro.

 

Binasag ni Doncic ang naunang record ni Oscar Robertson na 23 taon at 12 araw.

 

“We needed that,” wika ni Doncic. “We played, I think, one of the worst games ever and we won. We didn’t play good. We still hang in there, help each other, never give up. I’m proud of the win.”

 

Kumubra rin ng 22 points at pitong rebounds si Kristaps Porzingis bago ma-foul out sa huling bahagi ng regulasyon.

 

Sa Dallas nanggaling ang huling anim na puntos ng regulation upang mapuwersa ang overtime, at itinablang muli ang iskor sa 102 nang ipasok ni Tim Hardaway Jr. ang tatlong free throws sa 3:10 nalalabi.

 

Binasag ni Doncic ang tabla tampok ang kanyang basket, at nagpasok ng limang sunod na puntos ang Mavs para hindi nang lumingon muli.

 

Sina De’Aaron Fox na may 28 points at Buddy Hield na may 21 points ang sinandalan ng Kings.

Other News
  • PAGDAMI ng TNVS COLORUM NAKAKABAHALA

    Nilimitahan ng LTFRB ang mga pinayagang makabyahe na mga TNVS. Ibig sabihin nito ay extended ang pagkatengga at kawalan ng hanapbuhay ng daan-daang drivers. May mga pinayagan din bumyahe pero meron ngang hindi.   Kung ano ang basehan sa pagpili, tanging LTFRB lang ang nakakaalam at ang makasasagot sa tanong na yan. Kaya naman dumiskarte […]

  • PBBM nakatutok sa paghina ng piso

    MAHIGPIT  na binabantayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghina ng piso laban sa US dollar, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.     Bagaman at hindi napag-usapan sa isinagawang meeting ng Gabinete ang isyu sa paghina ng piso kontra dolyar, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Pangulo sa kanyang economic team.     Naitala noong Setyembre […]

  • Movie nina DANIEL at CHARO, magku-compete sa ‘74th Locarno Film Festival’ sa Switzerland

    ANG first feature film ni Carlo Francisco Manatad na Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ay kabilang sa official selection ng ika-74 na Locarno Film Festival sa Switzerland, kung saan magkakaroon ito ng world premiere sa Concorso Cineasti del Presente (Filmmakers of the Present) section.     Ang Kun Maupay Man […]