Panukala na magpapalawak sa potensyal ng gastronomiya sa Pilipinas, inihain
- Published on August 6, 2022
- by @peoplesbalita
BILANG paggigiit sa pangangailangan na ganap na mapalawak ang buong potensyal ng bansa sa gastronomiya, hinimok ng isang mambabatas ang paglikha ng isang ahensiya na magiging responsable sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya, at pagsasagawa ng mga programa at oportunidad para sa gastronomiya at sektor ng culinary heritage.
Iniakda ni Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, Chairman ng Espesyal na Komite ng Creative Industry and Performing Arts, ang House Bill 619 na lilikha sa Committee on Philippine Gastronomy and Culinary Heritage.
Sa panukala, nilinaw ni De Venecia na bilang pagpapahayag ng kultural na tradisyon, ang gastronomiya at culinary heritage ay bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng Pilipinas.
“However, there has been no formal government body that is tasked to study and develop the field,” aniya.
Binanggit ni De Venecia na ang pagkaing Pilipino kamakailan ay tumatak sa mundo ng culinary, sa pamamagitan ng KASAMA bilang unang restorang Pilipino na ginawaran ng unang Michelin Star.
Inilarawan ni De Venecia ang hinaharap ng Philippine gastronomy na magiging tanyag, basta mayroon lamang maayos na landas para ito ay lumago.
Sa pagtukoy sa panukala, ang terminong “gastronomy” ay tumutuon sa pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng pagkain at kultura, ang sining ng paghahanda at pagsisilbi ng masagana o maselan at kaaya-ayang pagkain, ang pamamaraan ng pagluluto ng mga partikular na rehiyon, at ang siyensya ng maayos at wastong pagluluto.
Samantala, ang “culinary heritage” ay hinggil naman sa mga pagkain o resipi na niluluto at ginagawa ng ating mga ninuno, at pagsasama-sama ng mga pinanggalingan ng mga pagkaing may kaugnayan sa mga aktibidad ng mga grupong kultural o rehiyon.
Ang panukalang Committee on Philippine Gastronomy and Culinary Heritage ay isasailalim sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), sa ilalim ng Subcommittee on Cultural Heritage.
Babalangkasin ng naturang grupo, higit sa lahat, ang mga polisiya, plano at programa upang matiyak ang ganap na kaunlaran, pagsasaayos, pagpapalawak, pagsusulong at pagpepreserba ng espesyal na pagkaing Pilipino, Filipino culinary heritage, mga minanang pagkain, at gastronomiya. (Ara Romero)
-
Panukalang amyenda sa data privacy act, pasado sa Komite
Inaprubahan ng House Committee on Information and Communications Technology ang substitute bill sa House Bills 1188 at 5612, na naglalayong amyendahan ang Republic Act 10173 o ang “Data Privacy Act of 2012.” Layon ng panukala na tugunan ang hamon sa data privacy, usapin sa cross-border data processing sa bansa at paunlarin ang proteksyon ng […]
-
Balota para sa BARMM inuna nang iimprenta ng Comelec
INUNA na ng Commission on Elections (Comelec) na iimprenta nitong Linggo ng umaga ang mga balota para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na gagamitin sa national and local elections sa Mayo 9. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nasa kabuuang 2,588,193 balota para sa BARMM ang kanilang iiimprenta. Unang […]
-
Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities abroad para sa mga Filipino -Department of Migrant Workers
MAITUTURING na maganda ang naging Bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa. Isa na rito ang mabuksan ang maraming job opportunities sa abroad para sa mga Filipino. Sa press briefing, tinuran ni DMW secretary Susan Ople na isa na rito ang nabuksang pangangailangan ng Singapore […]