Panukala na nagbabawal sa karera sa mga pampublikong lansangan aprubado
- Published on November 7, 2020
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na ng House Committee on Transportation sa Kamara ang House Bill 3391 o ang panukalang “Drag Racing Ban Act” na inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo.
Layon ng panukala na ipagbawal ang karera ng mga sasakyan sa mga pampublikong lansangan at patawan ng mabigat na parusa ang mga lalabag dito.
Inaayos na ng komite ang panukala batay sa istilo at mga amyenda.
“Hindi naman nakakatulong [ito]. Bagkus, ito ay nakakaperwisyo. Normally and usually, nakakapaminsala ito ng mga kagamitan, tao at mga komunidad. Hindi lang yun, nagdudulot din ito ng polusyon sa ingay,” ani Hipolito-Castelo.
Ilan sa mga panukalang amyenda ay ang mungkahi ni Committee Vice-Chair at RAM Party-list Rep. Aloysa Lim na palawigin ang batas sa pamamagitan ng pagsasailalim ng regulasyon imbes na ipagbawal ang drag racing.
Sa pamamagitan aniya nito ay masasakop ang parehong legal at iligal na drag racing.
Samantala, sinuportahan naman ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Edgar Galvante ang panukala.
Iminungkahi ni Galvante na gawaran din ng kapangyarihan sa ilalim ng panukala ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at ang mga lokal na pamahalaan sa implementasyon kapag naisabatas ang panukala.
Nagpahayag rin ng suporta si Department of Transpotation (DOTr) Assistant Secretary Steven Pastor sa panukala at kanyang iminungkahi na lahat ng mga sasakyang mahuhuli na ginagamit sa drag racing ay kukumpiskahin upang ma impound. Ang pagdinig ay pinamunuan ni Committee Chair Rep. Edgar Mary Sarmiento. (Ara Romero)
-
Ads October 10, 2024
-
LOVI, sa La Union nag-Holy Week at inabutan na ng ECQ; ex-bf na si ROCCO muling nakasama sa serye
SA La Union nagbakasyon noong Holy Week si Kapuso actress Lovi Poe at doon na siya inabutan ng ECQ (Enhanced Community Quarantine), pagkatapos mag-taping ng kanilang Primetime series na Owe My Love ng GMA Public Affairs. Walang binanggit si Lovi kung may kasama siyang nagbakasyon sa La Union. Naka-post lamang sa kanyang Instagram na […]
-
Newsome, Amer bombilya ng Meralco sa 45th PBA
MAY ilang taon na ring nangangamote ang Meralco sa Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup, kagaya sa nakalipas na taon, sumablay playoffs. Pagsapit ng Commissioner’s Cup, sumalto sa quarterfinals, saka nakabawi sa Governors Cup, sinementuhan ang pagiging contender nang makarating sa finals. No. 2 sila sa eliminations, hindi inaksaya ang twice-to-beat sa quarters […]