• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukala na nagbabawal sa karera sa mga pampublikong lansangan aprubado

INAPRUBAHAN na ng House Committee on Transportation sa Kamara ang House Bill 3391 o ang panukalang “Drag Racing Ban Act” na inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo.

 

Layon ng panukala na ipagbawal ang karera ng mga sasakyan sa mga pampublikong lansangan at patawan ng mabigat na parusa ang mga lalabag dito.

 

Inaayos na ng komite ang panukala batay sa istilo at mga amyenda.

 

“Hindi naman nakakatulong [ito]. Bagkus, ito ay nakakaperwisyo. Normally and usually, nakakapaminsala ito ng mga kagamitan, tao at mga komunidad. Hindi lang yun, nagdudulot din ito ng polusyon sa ingay,” ani Hipolito-Castelo.

 

Ilan sa mga panukalang amyenda ay ang mungkahi ni Committee Vice-Chair at RAM Party-list Rep. Aloysa Lim na palawigin ang batas sa pamamagitan ng pagsasailalim ng regulasyon imbes na ipagbawal ang drag racing.

 

Sa pamamagitan aniya nito ay masasakop ang parehong legal at iligal na drag racing.

 

Samantala, sinuportahan naman ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Edgar Galvante ang panukala.

 

Iminungkahi ni Galvante na gawaran din ng kapangyarihan sa ilalim ng panukala ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at ang mga lokal na pamahalaan sa implementasyon kapag naisabatas ang panukala.

 

Nagpahayag rin ng suporta si Department of Transpotation (DOTr) Assistant Secretary Steven Pastor sa panukala at kanyang iminungkahi na lahat ng mga sasakyang mahuhuli na ginagamit sa drag racing ay kukumpiskahin upang ma impound. Ang pagdinig ay pinamunuan ni Committee Chair Rep. Edgar Mary Sarmiento. (Ara Romero)

Other News
  • HIGIT 300 TRAINEES NAGTAPOS SA TECH-VOC SKILLS SA NAVOTAS

    MALUGOD na tinanggap ng Navotas ang mahigit 347 mga skilled workers matapos ang kanilang pagtatapos sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.       Sa bilang na ito, 20 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) I para sa Automotive Servicing, habang 43 ang pumasa sa NC II assessment para sa Barista; […]

  • SSS pensioners ‘di na kailangang magpakita para sa annual confirmation

    HINDI  na kailangang magpakita pa sa alinmang sangay ng Social Security System (SSS) ang mga pensioners na nasa bansa para sa  Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).     Ang Acop ay requirement ng SSS para ma- update ang rekord ng mga pensionado para sa pagtanggap ng kanilang  pension kada taon.     Nilinaw naman ng […]

  • PBBM, biyaheng Japan sa kalagitnaan ng Pebrero

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na  byaheng Japan siya sa pangalawang linggo ng Pebrero para sa  state visit.     “I think the tentative date is around the second week of February, right now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.     Aniya, kaagad niyang tinanggap ang imbitasyon na bumisita sa Japan nang […]