• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukala sa binagong Wildlife Resources Conservation and Protection Act, aprubado na

Inaprubahan ng House Committee on Natural Resources na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, ang draft substitute bill na naglalayong baguhin ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, na tinalakay sa isang online na pagdinig.

 

Ang substitute bill ay para sa House Bill 265 na inihain ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez Sato, HB 3351 ni Pampanga Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo at HB 4860 ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

 

Inaprubahan din ng komite ang mosyon para isama ang HB 1684 ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte at HB 3614 ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, sa inaprubahang draft substitute bill.

 

Ang dalawang huling panukala ay parehong naglalayon na isailalim sa regulasyon ang paghuli, pagbebenta, pagbili, pagtataglay, pagdadala, pag-aangkat at pagluluwas ng lahat ng pating, page at mga chimaeras.

 

Nagpahayag ng suporta si Rodriguez sa draft substitute bill na mabusising tinalakay ng TWG.

 

Bukod sa parusang pagkabilanggo ay pagmumultahin din ng P2-milyon ang sinumang mapapatunayang lumabag.

 

Sa kanyang paliwanag sa HB 4860, sinabi ni Rodriguez ang lubos na pangangailangan na matiyak na ang flora at fauna sa bansa, kabilang na ecosystem na kanilang tirahan ay protektado mula sa mga banta at panganib, pagkawasak ng habitat, sobrang pag-abuso, pangangaso, polusyon, pabago-bagong klima ng panahon, at culling.

 

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources Biodiversity Management Bureau, ang bansa ay may 133 terrestail mammals, 230 birds, 244 reptiles, at 97 amphibian species na hindi makikita sa ibang bansa.

 

“Mayroon din tayong 120 uri ng isda na makikita lamang sa mga karagatan at look ng Pilipinas,” ani Rodriguez.

 

Sinabi ni Barzaga na ang inaprubahang draft substitute bill ay sakop din ang mga paksa na nakasaad sa HB 1684 at 3614.

 

Pinatunayan ni ASEAN Centre for Biodiversity Executive Director Dr. Theresa Mundita Lim, na ang mga species na binanggit sa mga panukala ay itinuturing na nanganganib na, at dapat lamang patawan ng sapat na parusa ang lalabag kapag ito ay naisama sa substitute bill.

 

Sumang-ayon naman si Atty. Theresa Tenazas, OIC ng DENR-BMB Wildlife Resources Division na ang mga ito ay kasama na sa inaprubahang substitute bill at kanya ring ipinahayag ang pasasalamat ng ahensya sa chairman at mga miyembro ng komite sa pag-apruba ng substitute bill at gawing prayoridad ng ika-18 Kongreso ang panukala. (ARA ROMERO)

Other News
  • Administrasyong Duterte, hindi magdi-discriminate sa pamamahagi ng bakuna laban sa Covid-19 batay sa political leaning

    TINIYAK ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi idi-discriminate ng administrasyon ang COVID-19 vaccine distribution base sa political leaning o nakahilig sa politika.   Pinawi ni Sec. Roque ang pangamba ng publiko na iprayoridad ng administrasyong Duterte ang kanyang mga kaalyado pagdating sa vaccine distribution.   Wala aniyang katuturan na mag- discriminate base sa political […]

  • Magnitude 7.3 na lindol yumanig sa Japan; tsunami advisory inilabas

    NIYANIG nang malakas ang kabisera ng Tokyo matapos na tamaan ng magnitude 7.3 na lindol ang silangang bahagi ng Japan kagabi na nag-udyok naman ng tsunami advisory para sa ilang bahagi ng northeast coast ng bansa.     Ayon sa Japan Meteorological Agency, sa baybayin ng Fukushima region nakasentro ang lindol na may lalim na […]

  • Kahit nadawit sa KathNiel break-up: ANDREA, tuloy-tuloy pa rin ang projects at ‘di ipi-freeze ng Dos

    DAHIL sa success ng MMFF at MIFF entry na “Rewind” na pinabibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ay sunod sunod na parangal ang ipagkaloob sa kanila at sa producer ng naturang movie.  Bukod sa Box Office King and Queen para kina Dingdong at Marian ay may mga recognition din silang tatanggapin. Nauna nang […]