PANUKALANG BATAS PARA sa NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION, INIHAIN NA!
- Published on June 12, 2021
- by @peoplesbalita
Inihain na ni Sr. Deputy Speaker, Hon. Doy C. Leachon, ang HB9368 na may titulong “An Act Regulating the No-Contact Apprehension Policy in the Implementation of Traffic Laws, Ordinances, Rules and Regulations”
Kinikilala nito ang kahalagahan ng no-contact apprehension sa pagdi-disiplina ng mga drivers para sa kaayusan ng daloy ng trapiko, habang binibigyan din ng proteksyon ang mga motorista laban sa maaring pagabuso nito.
Ilan sa mga panukala ay ang mga sumusunod:
Area of Operation
No Traffic Authority may implement a no-contact apprehension without informing the public of the area of operation. Kung sakaling may higit sa isang traffic authority ang may jurisdiction sa isang lugar dapat mapag-usapan nila ito at magkasundo na “ISA LANG” ang magpapatupad nito. Hindi rin pwede na dalawang huli ( no-contact at personal na huli ng enforcer) sa same na violation. Maaring ipakita ng violator na natikitan na siya ng enforcer para hindi madoble ng no-contact.
Notice of Violation
The notice of violation must be sent to the registered owner or operator within seven (7) days from the time of infraction.
Mahalaga ito dahil sa ngayon ay inaabot ng ilang buwan bago makarating ang notice of violation sa registered owner o operator ng sasakyan. Nakasaad din sa notice ang mga sumusunod:
- Date time and location of the traffic violation.
- Traffic violation and penalty
- Video file/ still images of the violations that shows the plate number or conduction sticker of the vehicle.
At ang isang mahalagang due process mechanism na:
- Date time and place of the hearing of the traffic violation.
Ang notice ay magsisilbing summons kayat dapat tanggapin ito pag may refusal to receive ay deemed served na ang summons. Pag natanggap ang notice ay kailangan umatend sa hearing ng isang Traffic Adjudication Board ang registered owner at ang actual driver upang aminin o i contest ang violation. Kung hindi makapupunta ang driver ay maaaring mag pasa ng affidavit.
- Traffic Adjudication Board
Ito ang Board na didinig sa mga kaso ng no contact apprehension kung i-contest man ng may ari o driver.
- Renewal
Sa sec 10 ng panukalang batas ay isinaad dito na hindi ang rehistro ng sasakyan kung hindi ang lisensya ng pasaway na driver ang maapektuhan sa renewal.
Renewal. Except as provided under existing laws, the payment of fines and penalties for traffic violatiins under the No Contact Apprehension IS NOT A REQUIREMENT FOR RENEWAL OF A MOTOR VEHICLE REGISTRATION OR FRANCHISE. HOWEVER, THE PAYMENT OF FINES AND PENALTIES IS A REQUIREMENT FOR RENEWAL OF A DRIVERS LICENSE.
Maraming car owners na nabayaran na ang penalty ay hindi pa rin makarehistro dahil sa hindi updated ang system ng nagpapatupad ng no-contact at LTO.
Bayad ka na. Di ka pa makarehistro. Hindi rin ito laban sa mga taxi driver na tulad ng sinabi ng isang grupo, dahil hindi lang sa taxi driver ito ipatutupad kundi sa lahat ng may driver’s license. Ang traffic violation ay personal sa driver at hindi pwedeng ipasa sa may ari. Pag ganoon aba ay wala nang katatakutan na violation ang mga pasaway na driver dahil hindi sila ang mamumultahan.
Sangayon ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa panukalang ito. Hihintayin natin na may magpanukala din nang ganito sa Senado.
-
NLEX MAG-AABANG LANG KAY NIETTO
HANDANG maghintay ang North Luzon Expressway o NLEX kay Matt Nieto. Ang 22-anyos na basketbolista ang third pick ng Road Warriors at isa sa kambal na panalpok ng Ateneo de Manila University, hinugot siya sa Gilas Pilipinas Special Draft -Philippine Basketball Associatiopn (PBA) Rookie Draft 2019. NLEX ang pro team niya, pero magsisilbi muna sa […]
-
PBBM, hangad ang pinasimpleng MINING FISCAL REGIME
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na itulak ang pinasimpleng fiscal regime para sa mining industry. Tinukoy ni Pangulong Marcos ang Rationalization of the Mining Fiscal Regime, na kanyang inilarawan bilang “fundamental to creating a fair and equitable mining environment for everyone involved.” “I urge all our dedicated agencies […]
-
Sa pagtatapos ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’: CARMINA, aminadong nakararamdam ng separation anxiety
UMAAPAW ang pasasalamat ni Nadine Samonte na nabigyan ng magandang role ng Kapuso Network sa kanyang pagbabalik teleserye sa afternoon series na Forever Young. Ayon kay Nadine, agad siyang na-excite nang mabasa sa unang pagkakataon ang script ng Forever Young. “Noong una [kong] mabasa ang script ng Forever Young, I am so excited. […]