Panukalang forfeiture ng illegally acquired foreign-owned real estate, inihain
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang magbibigay otorisasyon sa gobyerno na kumpiskahin ang mga unlawfully acquired real estate properties ng foreign nationals, partikular ang mga sangkot sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ang House Bill (HB) No. 11043, o “Civil Forfeiture Act,” ay inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez at Quad Committee chairs Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido “Benny” Abante Jr. at Joseph Stephen Paduano.
Kabilang din sa mga awtor ay sina Quad Comm senior vice chair Romeo Acop at Representatives Johnny Ty Pimentel, Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez, Francisco Paolo Ortega V, Jefferson Khonghun at Jonathan Keith Flores.
Una nito, naghain din ang mga lider ng Quad Comm at iba pang mambabatas ng panukalang mag-i -institutionalize sa nationwide POGO ban, kasunod na rin sa direktiba ni President Marcos upang maprotektahan ang publiko at national security mula sa criminal activities na naaugnay sa POGOs.
Sa panukalang Anti-Offshore Gaming Operations Act, isinusulong nito ang pag-ban sa lahat ng offshore gaming sa bansa at patawan ng parusa ang mga paglabag.
Noong Oct. 21, isinumite naman ng Quad Comm ang ilang importanteng dokumento sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa potential na legal actions laban sa mga Chinese nationals na naakusahan na gumamit ng pekeng Filipino citizenship upang makabili at makapagmay-ari ng lupa at businesses sa Pilipinas.
Ang House mega-panel, ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights at Public Accounts.
Layon ng panukalang Civil Forfeiture Act na mapalakas ang constitutional ban sa foreign land ownership, na nakasaad sa 1935 Constitution.
Target nito ang mga indibidwal na lumalabag sa batas gamit ang pekeng dokumento. (Vina de Guzman)
-
Matagal na pinaghahandaan ang bawat role: CARLA, pinuri sa istilo sa pagmi-memorize ng mga linya
PINURI at kinagliwan ng netizens si Carla Abellana dahil sa kanyang Instagram post na kung saan pinakita niya kung paano pinaghahandaan ang isang role sa movie man o sa teleserye. Makikita nga sa photo na ibinahagi ng Kapuso actress ang pagsusulat niya sa mga Manila papers na nasa floor at meron din nakadikit sa […]
-
ELLEN, tinawag na ‘ingrata’ ng netizens at pinalalayas na sa ‘Pinas dahil sa planong mag-file ng kaso
NEGA nga sa netizens ang balitang diumano’y planong mag-file ng legal complaints ni Ellen Adarna sa production ng John en Ellen kunsaan, naging show niya sa TV5. Pagkatapos ng walk-out issue, heto’t mali raw ang ginawang pagsu-swab sa kanya kaya siya nag-false positive, pati ang P.A. niya. Na-trauma at hindi rin daw nakita […]
-
Bulacan, inilawan ang LED Christmas Tree
LUNGSOD NG MALOLOS – Isang mas maliwanag na panahon ng Kapaskuhan ang naghihintay sa mga Bulakenyo dahil sa nakatakdang pag-iilaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Christmas Tree na puno ng Light Emitting Diodes (LED) kahapon Nobyembre 24, alas-6:00 ng gabi sa harap ng gusali ng Kapitolyo dito. Tinaguriang “Pag-iilaw ng Krismas Tree […]