• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang magbabawal sa ‘no permit, no exam’ policy sa private schools, aprubado na sa Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara nitong Lunes ang panukalang magpapataw ng administrative sanctions laban sa mga private elementary at high school educational institutions na hahadlang sa mga estudyante na kumuha ng nakatakdang periodic examinations dahil hindi nakabayad ng kanilang financial obligations.

 

 

Umaasa si Speaker Ferdinand Martin Romualdez  na sa pagkaka-apruba ng panukala ay makakatulong sa mga magulang at estudyante sa problema na hindi makapag-exam dahil hindi nakabayad sa kanilang tuition at iba pang school fees dahil sa balidong dahilan.

 

 

Ayon sa speaker, may pagkakataon na hindi maiwasan ang pagkakaroon ng emergencies at pangyayari na dahilan kung bakit hindi agad makabayad ang pamilya sa kanilang obligasyon.

 

 

Ilan sa mga pangunahing awtor ng panukala ay sina Reps. Roman Romulo, Manuel Jose Dalipe, Gus Tambunting, Marvin Rillo, Camille Villar, Salvador Pleyto, France Castro, Ma. Rene Ann Lourdes G. Matibag, Jaye Lacson-Noel, at iba pang mambabatas.

 

 

Sa botong 259, inaprubahan ng kamara ang House Bill 7584 para makakuha ang mga estudyante ng private basic educational institutions na makakuha ng pagsusulit sa kabila na hindi ito nakabayad ng school fees dala na rin ng emergencies, force majeure, at iba pang sapat na dahilan.

 

 

Upang mabalanse naman ang pangangailangan din ng pribadong paaralan, nakasaad sa Section 4 ng panukala na ang mga magulang o guardians ng estudyante ay kailangang magsumite ng promissory note bago kumuha ng exam. (Ara Romero)

Other News
  • Direk Darryl, may nilulutong bagong project: Role ni SHARON sa ‘The Mango Bride’, matindi at pam-Best Actress

    SA aming naging tsikahan sa first mediacon ng ‘Martyr Or Murderer’ ng Viva Films na ipalalabas na bukas, March 1, mukhang nabuko namin si Direk Darryl Yap tungkol sa niluluto niyang movie project para kay Megastar Sharon Cuneta.     Matatandaan na proud na proud talaga siya na pumayag si Mega na maidirek niya ito […]

  • Mula sa 17 rehiyon sa Pilipinas, nagsumite na sa DILG ng ‘unvaxxed list’

    SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nagsumite ng listahan ng mga indibidwal na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).     Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang data na ito ay naglalayon na […]

  • LTFRB: Posibleng magkaron ng PUJ fare hikes

    INAASAHAN  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaron ng panibagong round ng fare hike sa mga public utility jeepneys (PUJs) sa darating na lingo.       Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na ang pagtataas ng pamasahe ay sinangayunan na ng LTFRB board subalit hindi pa alam kung P2 o P4 […]