Panukalang Magna Carta para sa mga Filipino seafarers, aprubado ng komite
- Published on February 14, 2023
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng House Committee on Overseas Workers Affairs sa ang substitute bill sa ilang panukalang batas na magtatatag ng Magna Carta para sa Filipino Seafarers, upang protektahan ang kanilang mga karapatan at isulong ang kapakanan ng mga marino, gayundin ang pagpapasigla ng industriya.
Ang mga ito ay ang House Bills 368, 379, 736, 1515, 1647, 1758, 2269, 2287, 3953, 4438, 4563, at 5795.
Tiniyak ni Kabayan Party List Rep. Ron Salo, chairman ng komite, sa mga nagsusulong ng panukala na isinasaalang-alang ng komite ang kanilang mga alalahanin sa pagbalangkas ng pinagsama-samang panukala.
Kabilang sa mga pangunahing probisyon ng panukala ay ang karapatan ng mga marino sa pagsulong at pagsasanay sa edukasyon sa makatwiran at abot-kayang gastos.
Isinasaad din sa panukalang Magna Carta ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga marino, gayundin ang iba pa nilang mga karapatan at pribilehiyo.
Nagpahayag naman ng kanilang suporta ang ilang ahensiya ng gobyerno sa pagsasabatas ng panukala, kabilang ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na pinangungunahan ni Administrator Arnel Ignacio.
Samantala, inaprubahan din ng komite ng komite ang mosyon na isama ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa paggawa ng mga ipatutupad ng mga tuntunin at regulasyon.
Umaasa si Salo na ang panukalang batas ay maisasalang sa deliberasyon sa plenaryo sa susunod na linggo. (Daris Jose)
-
Top political leaders nagkaisa para bumalangkas ng istratehiya para sa 2025 midterm polls
NAGKAISA ang mga top political leaders sa bansa para maglatag ng mga istratehiya para sa nalalapit na 2025 midterm elections. Ginanap ang pulong kahapon, Lunes ng gabi sa Aguado residence sa Palasyo ng Malakanyang . Ang nasabing pulong ay batay sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. […]
-
Libreng Ferry ride, extended pa; Higit 2K bus driver sususpendihin – MMDA
INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang planong pagpapalawig sa Pasig River Ferry Service (PRFSkalakip ang libreng sakay ngayong buwan ng Marso. Ayon sa MMDA, pinahaba hanggang Marso 31 ang libreng sakay mula sa orihinal nitong araw na Pebrero 29. “We are happy to hear that people are enjoying the ferry ride going […]
-
HIRAP ng mga PASAHERO sa PUBLIC TRANSPORT MAAARING MATUGUNAN NG CARPOOLING
Ang hiling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay gawing hanggang alas 4 ng umaga na lang ang curfew dahil maraming pasahero ang maagang nasa kalye dahil maaga pumapasok. Isinailalim muli ang Metro Manila sa 10 AM to 5 AM na curfew. mApektado dito ang mga pumapasok sa trabaho na […]