Libreng Ferry ride, extended pa; Higit 2K bus driver sususpendihin – MMDA
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang planong pagpapalawig sa Pasig River Ferry Service (PRFSkalakip ang libreng sakay ngayong buwan ng Marso.
Ayon sa MMDA, pinahaba hanggang Marso 31 ang libreng sakay mula sa orihinal nitong araw na Pebrero 29.
“We are happy to hear that people are enjoying the ferry ride going to their destinations and commuting by ferry has become a way of life with Metro Manila residents. That is why we are extending the free ride until March 31,” pahayag ni MMDA chairman Danilo Lim.
Nasa 700 hanggang 1,000 ang pasaherong sumasakay araw-araw sa bangka.
Sinabi rin ng MMDA na plano pa nilang magtayo ng bagong tatlong ferry stations sa Quinta Market, Circuit Makati, at Kalawaan sa Pasig.
“I am optimistic that our future plans will further boost the ferry’s commuter patronage,” dagdag pa ni MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan, Jr.
Samantala, inihayag din ng MMDA na bumuo sila ng guidelines at katuwang nila ang Land Transportation Office (LTO) kung paano ipatutupad ang suspensyon ng lisensya sa pagmamaneho ng mahigit 2,500 bus driver dahil sa labis at paulit-ulit na paglabag sa mga batas trapiko.
Sa pulong balitaan na ginanap kahapon (Lunes) sa tanggapan ng MMDA headquarters sa Guadalupe, Makati City sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na nangangamba sila na maapektuhan ang sektor ng transportasyon kung ito ay magkakasabay-sabay ang suspensyon sa mga pasaway na mga bus driver.
Sinabi ni Garcia na makikipagpulong sila sa mga bus operator at iba pang stakeholders kasama ang LTO.
Aniya, pinadalahan na ng show cause order ang mahigit 2,000 bus drivers na may violation at kalahati nito ay pawang mga sumagot na.
Ipinaliwanag pa ni Garcia na sa ilalim ng Republic Act 4136, ‘pag ang driver na may lisensya ay nakagawa ng tatlong magkakaparehong violation sa loob ng 12 buwan o isang taon ay awtomatikong suspended na ang lisensya nila, na minimum na isang taon at maximum ng dalawang taon.
-
Makikita sa virtual statue na hawak ang baby bump: Kabogera sa Met Gala na si RIHANNA ‘di nakadalo dahil sa pagbubuntis
TILA nag-retire na raw sa paggawa ng pelikula si Direk Carlitos Siguion-Reyna. Unforgettable ang mga nagawa niyang mga pelikula sa ilalim ng Reyna Films tulad ng Hihintayin Kita Sa Langit, Saan Ka Man Naroroon?, Kung Mawawaka Ka, Ikaw Ka Pang Ang Minahal, Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin, Ligaya Ang Itawag Mo Sa […]
-
SHARON, nag-negative sa COVID test habang nag-positive si Sen. KIKO; buong pamilya naka-isolate na
SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta na may nakalagay na ‘Make Today Happy’ sa photocard, ipinaalam niya na negative siya sa COVID test habang nag-positive nga si Sen. Kiko Pangilinan. Caption niya, “somehow. Last night, I tested negative on my Antigen. Kiko tested positive on his PCR test results. This morning, all […]
-
Pinas, US foreign affairs, defense secretaries magpupulong sa Washington
MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril. Layon nito na palakasin ang kanilang political at military engagement sa harap ng posisyon ng China sa South China Sea. Sinabi […]