Panukalang nationwide, Luzon-wide academic break kinontra ng CHED
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
Tinabla ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga panawagang magpatupad ng academic break sa buong bansa o sa Luzon kasunod ng serye ng mga bagyong tumama sa Pilipinas.
Una rito, ilang mga pamatasan ang nagpatupad ng isang linggong class suspension dahil sa iniwang epekto ng mga bagyo, na nagdulot ng problema sa distance learning at mental stress sa mga estudyante.
Ayon kay CHED chairperson Prospero De Vera, hindi maaaring gumawa ng iisang desisyon ang komisyon kaugnay sa isyu ng academic freeze.
“No to both, especially for the nationwide academic break because the impact of the typhoon and the disasters are different across different parts of the country,” wika ni De Vera sa isang panayam.
“Number two, no also to the Luzon-wide (break) because the universities are already deciding on it,” dagdag nito.
Para kay De Vera ang mga school authorities at mga lokal na pamahalaan ang nagpapasya tungkol sa deklarasyon ng class suspension, depende sa sitwasyon sa kani-kanilang mga lugar.
“We leave that to the school authorities, because different schools and different students and families are affected differently,” anang opisyal.
Una rito, maging ang Department of Education ay umalma sa panawagang suspendihin muna ang mga klase matapos ang nangyaring sakuna.
-
Sa naging performance sa ‘Rock in Rio Music Festival’: ARNEL, ipinagtanggol ng mga miyembro ng bandang ‘Journey’
KAYA pala biglang hindi na naging aktibo sa showbiz ang dating Kapuso teen actor na si Ralph Noriega ay dahil nagtayo ito ng sarili niyang negosyo kasama ang kanyang girlfriend. “Mas pinagkakaabalahan ko po ‘yung business namin ng girlfriend ko which is ‘yung Within The Box Woodworks & Design Co. We specialize in […]
-
Tsina, itinanggi na pinopondohan ang ‘pro-China trolls’ sa Pinas
“CATEGORICALLY false and baseless.” Ganito kung ilarawan ng Tsina ang sinabi ng isang mambabatas na maaaring pinopondohan ng Beijing ang “destabilization efforts” sa Maynila sa pamamagitan ng online trolls. Sinabi ng Chinese embassy sa Maynila dapat na itigil ng mga Filipino politicians ang mga ganitong klase ng alingasngas na makapagpapaigting sa […]
-
SINAKSIHAN nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang pagsubuan ng cake
SINAKSIHAN nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang pagsubuan ng cake nina Reynaldo Gregorio, 59, at Rosario Avelino, 55, ang pinakamatandang mag-asawa na kabilang sa 51 long-term partners na ikinasal sa libreng Kasalan Bayan na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa mga Navoteño. (Richard Mesa)