PANUKALANG NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION NASA QUEZON CITY COUNCIL NA
- Published on August 12, 2021
- by @peoplesbalita
Nakasalang na sa ikalawang pagbasa ang panukalang No-Contact Traffic Apprehension sa Konseho ng Lungsod Quezon.
Kung magiging Ordinansa ito ay mapapabilang na ang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila na magpapatupad nito tulad ng sa Lungsod ng Maynila, Valenzuela at Parañaque. Layunin nito na mas maiayos ang traffic sa lungsod at mapapanagot ang mga traffic violators. Sa puntong ito ay suportado ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang magandang layunin.
Ngunit may ilan lamang kami na nais maikonsidera ng mga konsehal upang maging maayos ang implementasyon nito. Ang ilan ay ang mga sumusunod:
- Na ang makunan ng cctv camera ay ang nagmamaneho at hindi lamang ang plaka ng sasakyan. Sa kasalukuyang umiiral na no-contact ay plaka ng sasakyan ang nakukunan ng camera. Kaya ang nabibigyan ng notice of traffic violation ay hindi ang mismong driver na nag violate kundi ang registered owner. Kung ang registered owner ang mismong driver ay walang problema pero malimit, lalo na sa public transport, ang registered owner ng sasakyan ay hindi ang driver.
Kung sakali naman na hindi pa ganun ang teknolohiya ng private provider ay kailangan ng due process mechanism sa notice of violation upang mabigyan ng pagkakataon ang registered owner, na hindi ang driver, na mabigay ang pangalan ng traffic-violator. Sa ngayon ang problema sa MMDA at ilang LGU ay matagal naipapadala ang notice of violation. Inaabot ng maraming buwan. Ang aming panukala ay dapat mapadala na sa loob ng pitong araw man lang ang notice buhat sa araw na nakunan ang violation.
Bakit mahalaga ito? Sa public transport ay maaring masabihan na ng operator ang driver. Kung sa private vehicle naman ay masabihan na ng mayari yung mismong nagmaneho na may violation siya nang sa ganun ay hindi mabaon ito sa limot. Malimit kasi dahil inaalarma ng LTO ang mga sasakyan na nakunan ng violation ang registered owner ang napipilitang magbayad para makarehistro siya kahit hindi siya mismo ang traffic-violator. Pag ganun ang nangyayari hindi natin nadidisiplina ang mga violators. Nakukunsinti pa natin dahil natatakasan nila ang multa na dapat sila ang magbayad.
- Sa notice of violation ay may summons nang nakalagay na dinidirekta ang mayari o driver na dumalo sa isang summary hearing ng traffic adjudication board ng LGU para doon magpaliwanag ang nabigyan ng notice. Sa ngayon ang ilang LGU ay walang nakakalay na ganito sa notice of violation. Nakalagay lang na iaalarma nila ang sasakyan pag hindi nabayaran ang multa.
- Tutol ang LCSP na maging basehan ng LTO ang pagaalarma ng sasakyan dahil lamang sa traffic violation na malimit ay hindi nalalaman ng registered owner. Maraming pagkakataon na magpaparehistro ang may-ari at hindi makapagrehistro dahil naka-alarma. Saka pa lang niya ito malalaman. Malaking abala ito dahil kahit bayaran ng may-ari violation ay hinihingan pa ng clearance sa LGU. Dapat ang driver’s license ng violator at hindi ang rehistro ng sasakyan ang punteryahin ng LTO.
- Kaya mahalaga na may interoperability connection ang LTO at LGU para dito sa problema ng rehistro o driver’s license ng violator. Hindi pwede sabi-sabi lang. Dapat maipakita sa Sanggunian na may connectivity sila sa LTO.
- Sa panukala ay tatlong libong piso diumano ang multa ng violation. Kaya daw mataas para magtanda ang violator at hindi na umulit pa. Pero pag ikaw naman ang pagbabayarin kung hindi ikaw ang driver ay mukhang paulit-ulit na mag ba-violate ang pasaway na driver dahil nalulusutan ang multa. Ang mungkahi rin ng LCSP, na huwag porke ganun kataas ang singil ng ibang LGU ay itatapat na ng QC. Kakayanin kaya ng mga tricycle, jeepney, delivery, drivers ang multang tatlong libo? Ang isang libo ba o dalawang libo ay hindi sapat para madala sila para di na umulit?
- Kailangan din malaman ng motorista kung saan ilalagay ang mga no-contact apprehension cameras. Mahalaga ito lalo na sa mga lugar na boundary ng isang lungsod. Baka makunan ng ibat-ibang nagpapatupad ng no-contact at multahan ng doble ang isang violations.
Sana ay huwag madaliin ng Konseho ng Lungsod Quezon ang pagpasa ng no-contact apprehension at maikonsidera muna ang aming mga puntos upang mas maging matagumpay at maiayos ang pagpapatupad sa polisiya ng No-Contact Apprehension. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Beermen nagkampeon sa PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT 119-97
NAKUHA ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng 2022 PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT Tropang Giga 119-97. Tinanghal bilang PBA Press Corps Finals Most Valuable Player sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum sa harap ng 15,915 audience. Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng […]
-
Ads August 24, 2022
-
Bulacan, pinasinayaan ang unang PESO Building sa Central Luzon
Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang unang stand-alone PESO Building sa Central Luzon kasabay ang paggunita sa ika-94 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople na ginanap sa harap ng Provincial Livelihood Center (Gat Blas Ople Building), Antonio S. Bautista, Provincial Capitol […]