• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang P5.3-T budget gagamitin para pabilisin ang e-governance- DBM

GAGAMITIN ang panukalang P5.268-trillion national budget para sa 2023 para sa  transformation at digitalization ng government processes, records, at databases sa pamamagitan ng e-governance.

 

 

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kabilang ang mga Ito sa “top priorities” sa ilalim ng administrasyong  Marcos.

 

 

“Through digital transformation, our bureaucracy can improve the ease of doing business, limit human discretion, and enhance transparency in government transactions,” ayon sa Kalihim sa isang  video message sa isinagawang  economic forum na hinost (host) ng  Economic Journalists Association of the Philippines at San Miguel Corp.

 

 

Ang panukalang  2023 national budget ay makatutulong sa departamento upang  “build on past gains such as Executive No. 170 (s.2022) which was signed during the Duterte administration.”

 

 

Ang  Executive Order 170 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Mayo 12, 2022,  nakasaad na nakita ang mga benepisyo ng digital payment services sa iba’t ibang sektor sa kasagsagan ng COVID-19.

 

 

Nakasaad pa rin sa EO na naging mabilis, convenient, secure at transparent ang paggamit ng digital payment services.

 

 

Sa ilalim ng EO, lahat ng departmento, ahensiya, at instrumentalities ng gobyerno kabilang ang mga state universities at colleges, government-owned-or-controlled corporations, at maging ang mga local government units (LGUs) ay inaatasan na gamitin ang digital payments para sa kanilang disbursements at collections.

 

 

Lahat ng mga ahensiya na sakop sa EO ay dapat ipatupad ang ligtas at maayos na digital disbursement sa pagbabayad ng goods, services, at iba pang disbursements, kabilang ang pamamahagi ng pinansiyal na tulong, suweldo, allowances at iba pang bayarin sa mga empleyado.

 

 

Para sa koleksiyon ng gobyerno, lahat ng kinauukulang ahensiya ay dapat mag alok ng digital mode para sa pagbabayad ng buwis, fees, tolls st iba pang dapat kolektahin.

 

 

“With its effective implementation and through further digitalization as well as the proposed national government rightsizing program and cash-budgeting system, we aim to enhance bureaucratic efficiency to ensure quick and responsive public service delivery to the Filipino people,” ayon pa kay Pangandaman.

 

 

Aniya pa, gagamitin ng departamento ang panukalang budget para paghusayin pa ang umiiral na Government Integrated Financial Management Information Systems (GIFMIS).

 

 

“GIFMIS will significantly improve the cash management of our country’s treasury, allow greater financial management, improve data governance, and enhance oversight control,” ang pahayag ni Pangandaman.

 

 

Sinabi pa niya na  “an integral part of the GIFMIS is the Budget and Treasury Management System (BTMS), a web-based, fully-automated, and centralized database that will facilitate the generation of vital information on all aspects of government financial transactions and serve as an online ledger where transactions are mapped in real-time from purchase to payment.”

 

 

“The implementation of the BTMS is a crucial digitization initiative. It has already been introduced and pilot-tested in different government agencies and is presently being reviewed for improvement,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Kabisera ng marathon sa Pilipinas

    LUMALABAS na ang Lalawigan ng Cebu ang puwedeng kilalaning ‘Marathon Capital of the Philippines’.   Nabatid ito ng OD mula sa mga na-Google na impormasyon, ang ilan ay sa mga nakuha ko pang detalye sa pagko-cover ng aking amang marathoner na si Ramil Cruz sa mga marathon sapul noong huling bahagi ng dekada 80s hanggang […]

  • Fernando, hinikayat ang mga Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata

    LUNGSOD NG MALOLOS – Hinikayat ni Gob. Daniel R. Fernando ang lahat ng Bulakenyo na ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at bata sa pamamagitan ng pakikiisa sa Orange Day Campaign sa Nobyembre 25, 2021 na hudyat ng pagsisimula ng “18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW)” alinsunod sa Proklamasyon 1172, T’06 mula Nobyembre 25 […]

  • SHARON, tuloy na tuloy pa rin ang pagpasok sa action-drama series ni COCO; inaabangan kung ano ang magiging role

    MARAMI na ang nag-aabang sa pagpasok ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano.     Isa ito sa pasabog na handog ng action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin, which is celebrating its sixth anniversary.     Maraming mga fan groups ni Sharon sa Facebook ang nagtatanong kung kailan daw kaya ang formal announcement […]