PAOCC spox, sinibak sa puwesto; sumasailalim ngayon sa administrative probe
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
SINIBAK sa puwesto si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio at kasalukuyang nasa ilalim ng administrative investigation kasunod ng sinasabing mistreatment sa isang Filipino national sa isinagawang pagsalakay sa Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bagac, Bataan.
Sa isang text message sa mga Palace reporter, araw ng Martes, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinag-utos kay Casio na “explain actuations in writing.”
May isa kasing footage si Casio kung saan sinampal nito ang isang POGO worker sa isinagawang pagsalakay sa (POGO) hub sa Bagac, Bataan noong Oktubre 31.
Ito ang nag-udyok sa PAOCC na magpalabas ng memorandum nagbigay ng mandato sa kanya na magsulat ng isang written explanation sa loob ng 24 oras.
Ipinalabas din ng memorandum kay Casio na sya ay “relieved of [his] responsibilities as spokesperson for PAOCC effective immediately and until the completion of the investigation.”
“The incident occurred following the execution of a Search Warrant at that location and is reported to have been documented, with the footage now circulating on social media platforms,” ang nakasaad sa memorandum.
“Your immediate response is crucial, as it will significantly influence the Office’s consideration of any subsequent actions. It is critical for you to comprehend that any failure to provide your explanation will be deemed a waiver of your right to contribute to this process,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
-
Ads October 11, 2022
-
Mambabatas, itinutulak ang unemployment insurance kaysa ayuda
IPINANUKALA ngayon ni Albay Representative Joey Salceda ang pagkakaroon ng mga manggagawa ng unemployment insurance. Ito ay imbes na mamamahagi ang pamahalaan ng ayuda para sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa bansa. Punto ng ekonomistang mambabatas na ang pagtaas ng unemployment rate sa 6 percent na naitala sa buwan ng […]
-
Halos 50 unutilized Dalian train, isiniwalat ng COA
ISINIWALAT ng Commission on Audit ang Department of Transportation para sa 48 hindi nagamit nitong Dalian train na binili walong taon na ang nakalilipas para sa MRT-3. Isinaad ng mga auditor ng gobyerno sa 2022 audit report sa DOTr na ang mga tren na nananatiling hindi operational ay bahagi ng P3.7 billion na […]