PAPAKONDISYON SI PAGDAGANAN
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
IHAHANDA na ni Bianca Pagdaganan ang sarili para sa malaking laban sa murang propesyonal na karera sa nakatakdang $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas sa Disyembre 10-13.
Magpapakondisyon ang 23-taong gulang na bagitong Pinay sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, ang 8th Volunteers of America Classic 2020 sa The Colony, Texas din simula ngayong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).
Ikawalong torneo na sa taong ito ng tubong Quezon City na lahat naman ay napasahan niya ang cut kabilang ang pagsosyo sa ikasiyam na puwesto sa LPGA Tour major, ang 58th Women’s PGA Championship sa Pennsylvania nitong Oktubre na nagbigay sa kanya ng puwesto sa US Open.
Magiging reunion nila ni LPGA of Japan Tour campaigner Yuka Saso ang US Open makaraang balikatin ang Pilipinas sa women’s team gold medal sa Indonesia 18th Asian Games 2018 kung saan si Saso rin ang nag-gold sa individual at bronze si Pagdanganan.
Pero ang muling pagkikita sa Estados Unidos ng top pro golfers ng ‘Pinas ay hindi na magkakampi kundi magkaribal para sa indibidwal na karangalan sa malaking entablado ng kompetisyon na isa pinakaprestihiyo sa kasaysayan, at premyo katapat ang mga astig na manlalaro ng imundo.
Huling kompetisyon ni Pagdanganan ang 11th Pelican Women’s Championship 2020 sa Pelican Golf Club sa Florida nitong Nobyembre 22 kung saan tumabla sa ika-34 na puwesto at nakapagsubi ng $9,106 (P439K).
Ang 19-anyos na Filipina-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan na si Saso naman ay sa 48th Japan LPGA Tour Championship Ricoh Cup 2020 sa Miyazaki Prefecture nitong Nob. 27 na rito’y sumalo siya sa pang-anim at biniyayaan ng ¥4,638K (P2.1M). (REC)
-
Bisa ng driver’s license, pinalawig hanggang Oktubre 31
PINALAWIG ng Land Transportation Office (LTO) ang bisa ng driver’s license na mag-e-expire simula Abril 24. Ito ay batay sa nilagdaang memorandum circular ni LTO chief Jay Art Tugade na nagpapalawig sa validity ng driver’s license hanggang Oktubre 31 ng kasalukuyang taon o sa sandaling matapos na ang procurement o ang proseso ng […]
-
EJ Obiena handa ng sumabak sa torneo matapos ang paggaling ng kaniyang back injury
Masayang ibinahagi ni Olympic pole vaulter EJ Obiena na ito ay gumaling na mula sa kaniyang lower back injury. Sinabi nito na nakakuha na ito ng clearance mula sa kaniyang physician na si Dr. Alessandro Napoli at kinumpirmang magaling na ito. Ito rin aniiya ang dahilan kung bakit hindi siya lumahok sa mga […]
-
13-M NA PAMILYA NABIYAYAYAN NA NG 2ND TRANCHE NG SAP
UMABOT na sa mahigit 13.59 milyong pamilya nag naka tanggap ng ayudang P6,000-P8,000 sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP). Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nasa 13,598,020 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid. Dahil dito, aabot na sa P81.4 bilyon ang nailabas ng DSWD para […]