• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Papal Nuncio, umapela ng dasal sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis

UMAPELA  ng dasal si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis.

 

 

Una ng isinugod sa ospital ang 86 anyos na Santo Papa sa Roma dahil sa respiratory infection.

 

 

Nanawagan ang Papal Nuncio sa mga Pilipino na isama sa kanilang dasal ngayong holy week ang magandang kalusugan at mabilis na paggaling ni Pope Francis.

 

 

Una ng naglabas ng statement si Holy See Press Office director Matteo Bruni nitong hapon ng Miyerkules oras sa Roma na isinugod ang Santo Papa sa Gemelli hospital matapos na makaranas ng hirap sa paghinga sa nakalipas na mga araw.

 

 

Nilinaw naman ng Vatican na hindi ito dahil sa covid-19 kundi base sa resulta ay lumalabas na nagkaroon ng respiratory infection ang Santo Papa na nangangailangan ng ilang araw na angkop na hospital medical treatment.

Other News
  • Kouame naka-focus ngayon sa pagsali sa 2023 FIBA World Cup

    Tiniyak ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin na maglalaro sa national team si Ange Kouame.     Ito ay matapos ang ilang buwan nang aprubahan ang kaniyang naturalization.     Sinabi ni Baldwin na nagkaroon na sila ng pag-uusap ng adviser ng Ateneo de Manila player na si Arben Santos na makakasama ng Gilas […]

  • Nakatagpo na rin ng makakasama habang buhay: LJ, engaged na sa non-showbiz boyfriend na si PHILIP

    ENGAGED na ang dating Kapuso actress na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista, ayon ito sa name na naka-tag sa kanyang Instagram at Facebook post.       Makikita nga ang series of photos sa proposal ng kanyang guwapong fiancé na kuha sa isang beach resort. Isa rito ang nakakikilig […]

  • Gobyerno, may inilaang P2-B relief assistance para sa Odette-hit areas

    TINIYAK ng pamahalaan na maglalaan ito ng P2 bilyong halaga ng relief assistance para sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng bagyong Odette.   Ito’y sa kabila nang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nasimot na ang pondo ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.   “Si Pangulong Duterte has already committed P2 […]