• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Papasukin na rin ang mundo ng pulitika: JOAQUIN, pinagtanggol si ISKO sa isyung ‘puppet’ ng isang politician

KUMPIRMADONG papasukin na ang mundo ng pulitika ni Joaquin Domagoso. Kinumpirma na sa amin ng isang malapit sa mga Domagoso ang pagtakbong kunsehal sa unang districto ng Maynila. 
Si Joaquin ay anak ng aktor at dating mayor na si Francisco “Isko” Moreno.
   Susundan ni Joaquin ang tinatahak ng amang si Isko Moreno.
  Matandaang sa showbiz nag umpisa si Isko bago pumalaot sa pulitika.. Naging 3 termer councilor then tmakbong vice mayor and naging alkalde ng Maynila na kung saan napaganda niya nang husto ang capital city ng Pilipinas.
  Hindi malayong maging ganun na rin ang kapalarım ni Joaquin na ngayon pa lang ay pinagkakaguluhan sa lahat ng mga iniikutang lugar sa Tondo.
  Samantala pinagtanggol naman ni Joaquin ang amang si Isko sa isyung “puppet” ang dating mayor ng isang makapangyarihang incumbent politician.
  Sa latest vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Biyernes, Abril 26, Ito ang mga naging kasagutan ni Joaquin sa isyu.
“Papa ko, hindi puppet. Papa ko ang mastermind ng lahat. Siya ‘yong nag-iisip. Siya ‘yong nag-wowork Monday to Sunday. Hindi siya ‘yong matutulog na ‘bukas vacation muna ako. Punta muna ako rito.’ Hindi. ‘Kahit nasa bakasyon ako, hindi ako nakakapag-enjoy sa bakasyon,’” sey ka ng batang Moreno.
  Dagdag pa rin ni Joaquin na mahilig magplanu nang magaganda para sa mga constituents nito.
“Gano’n siyang tao. Mahilig siyang gumawa ng maganda. At masabi niya: ‘nakatulong ako. Naibigay ko ‘yong mga hindi ko natikman, naibigay ko sa ibang mga tao,’” banggit pa ni Joaquin.
  Lagi raw naririnig ni Joaquin at pina parinig sa kanya ang mga pinagdaanang buhay bago narating Ang anumang kinatatayuan nito sa ngayon.
  “Lagi niyang sinasabi, noong kabataan niya never niyang nagawa ‘to. Never siyang nakapag-aral ng private school. Nag-public school siya, mainit. Walang aircon.
‘Ngayon pupunta kang Almario Elem School (kung saan nag-aral si Isko) may aircon na sila.
Pupunta kang gan’to, may gymnasium na sila.”
   Ayon pa rin kay Joaquin ay wala pa rin naman daw sa ngayon sa mga plano ng ama kung babalik sa mundo ng pulitika na kahit sobrang dami ang lumalapit kay Isko for him to run again as Manila City Mayor, huh!
JIMI C. ESCALA)
Other News
  • PBBM, oks sa paglikha ng single operating system para sa lahat ng gov’t transactions

    APRUBADO ni  Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglikha ng single operating system para sa lahat ng transaksyon sa gobyerno upang matiyak ang mabilis na pagnenegosyo sa bansa.     Sa isinagawang sectoral meeting on improving bureaucratic efficiency,  sinabi ni Pangulong  Marcos  na dapat na ikonsidera ng iba’t ibang ahensiya na nagta-trabaho sa code o […]

  • Hiling ni Vhong Navarro na manatili sa NBI, ibinasura ng korte

    IBINASURA  ng korte ang mosyon ng aktor/TV host na si Vhong Navarro na manatili siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong rape na kinaharap nito.     Una nang inihain ni  Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, ang isang urgent motion upang mapanatili sa kustodiya ng NBI ang aktor. […]

  • Abogadong Pinoy na nabaril sa Philadelphia, pumanaw na

    PUMANAW na ang 35-anyos na abugadong Pinoy na nabaril habang nagbabakasyon sa Philadelphia sa Amerika.     Sa Facebook account ng kanyang inang si Leah Bustamante Laylo, inanunsyo nito na alas 10:33 ng gabi kagabi, Philippine time nang bawian ng buhay si John Albert Laylo.     Ayon kay Philippine Consulate General in New York […]