Para-athletes ng bansa handa sa pagsabak sa Tokyo Paralympics
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Wala pa ring papayagang manood ng Tokyo Paralympic games.
Magsisimula kasi ito ngayong araw hanggang Setyembre 5.
Tiwala si Philippine chef de mission Francis Diaz na mamamayagpag muli ang mga pambato ng bansa.
Mula kasi sa dating anim na kalahok ng bansa ay naging lima na lamang dahil sa pagpositibo ng isang atleta sa COVID-19.
Pangungunahan ito ni wheelchair racer Jerrold Mangliwan na siyang flag bearer sa opening ceremony na lalahok ito sa 400 meter, 100 meter at 1500 meters.
Habang si swimmer Ernie Gawilan ay sasabak sa 200m individual medley, 400 meter freestyle at 100m backstroke.
Ang swimmer naman si Gary Bejino ay lalahok sa 200m individual medley, 50m butterfly, 400m freestyle at 100m backstroke habang si Janette Aceveda ay maglalaro sa women’s discus throw event.
Si Allain Ganapin na siyang unang Filipino na sasabak sa taekwondo, habang ang huling atleta na sasali ay si Achelle Guion para sa powerlifter 45 kg.
Sa kasaysayan ay mayroong dalawang bronze medals na ang nakamit ng bansa sa Paralympics na una ay si Adeline Dumapong para sa powerlifting na nasungkit noong 2000 Games sa Sydney habang si Josephine Medina ay sa larong table tennis na nagbulsa din ng medalya noong 2016 Rio Games.
-
53 lugar sa Pinas nasa COVID-19 alert level 4
Nasa 53 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng COVID-19 Alert Level 4 ng Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bagong kaso na nahahawa ng virus at pagtaas din ng healthcare utilization rate. Ayon sa DOH, ang Alert Level 4 ay nangangahulugan na ang isang lugar ay klasipikado […]
-
Excavation activities ng Manila Water tigil muna sa panahon ng holiday
SINUSPINDE muna ng Manila Water ang ginagawang excavation activities sa mga pangunahing lansangan sa East Zone ng Metro Manila bilang pagtalima sa government resolution hinggil sa paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan. Unang nagpalabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Memorandum Circular No. 15 Series of 2023, na nag-uutos ng temporary suspension sa […]
-
P6M HALAGA NG KARGAMENTO TINANGAY NG DRIVER AT HELPER
TINANGAY ng driver at ng kanyang helper ang higit sa P 6 milyong halaga ng kanilang kargamento na dapat ay idineliver nila sa isang negosyanteng buyer sa Malabon city. Natuklasan ni Johnson Tan, 24, negosyante at residente ng 920 Asuncion St., Tondo, Manila na hindi pala dumating sa kanyang buyer na si Kevyn […]