• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para manahimik ang mga Marites na ayaw siyang tantanan… AJ, dapat nang magpakita ng proof na ‘di siya nabuntis ni ALJUR

AYAW na ba ni KC Concepcion sa showbiz? Mas gusto na lang ba niya ang gigs niya abroad?

 

Hindi kasi napapanood si KC sa anumang local show kaya nagtatanong ang kanyang mga followers bakit di active ang dalaga sa local showbiz.

 

Isa pang tanong nila ay kung pinababayaan ba ni KC ang kanyang sarili?

 

Bothered ang mga fans ni KC sa nakita nilang pictures ng dalaga dahil ang tingin nila ay tumataba ito. Malayo ito sa image ni KC na payat, athletic ang dating at conscious sa kanyang health.

 

Sinilip namin ang IG account ni KC at parang di naman siya mukhang “mataba” sa aming palagay.

 

 

Pero obvious na ini-enjoy ng panganay nina Sharon Cuneta at Gabby Concecpcion ang kanyang trip abroad.

 

 

Sa kanyang post sa IG {@kristinaconcepcion} Occupational hazard ba ito?? In Florida to do some ‘meet & greet’ with FilmAms on this side of America. Mabuti na lang at walang humabol sa akin na stingray sa dagat na iyan at nakakanta pa ako sa private event! Hahaha stress?! “Thank you for having me up close and personal NYC and Florida! Til the next time gigs…Mahal ko kayo. (smile emoji).”

 

***

 

HOT topic para sa Raval sisters na sina Vanessa at AJ ang ‘Machete’ lead actor na si Aljur Abrenica.

 

Sinabi raw nitong si Vanessa na susunugin niya ang bahay ni Aljur kung totoo ngang nabuntis nito ang kapatid niyang si AJ.

 

Tila umiikot lang sa isyung nabuntis ni Aljur ang isa sa Raval sisters at ini-enjoy naman nung dalawa babae ang kanilang 15 minutes of fame.

 

Sino ba si Vanessa? Artista rin ba siya? Kasi ang kilala lang namin ay si AJ dahil nakakausap namin siya sa mga presscon ng movies niya sa Vivamax.

 

Laman ng internet sina Vanessa at AJ pero ang laging issue na kakabit mga pangalan nila ay ang pagbubuntis diumano ni AJ courtesy raw of Aljur.

 

Kahit nag-deny na si AJ tungkol sa issue ay ayaw pa rin siyang tantanan ng netizens. Siguro dapat magpa-checkup si AJ sa isang well-known hospital to debunk the claim na siya ay buntis.

 

Malagpasan man niya ang buntis isyu, tiyak na susunod na hirit ng mga intrigero eh pinalaglag ang bata.

 

Yes, that worst. Kaya para manahimik ang mga Marites dapat magpakita ng proof si AJ na hindi siya buntis.

 

Pero teka muna, ‘di ba dapat ang burden of proof ay nasa accuser? So ‘yung mga nagsasabi na buntis si AJ, may pruweba ba sila sa kanilang isinasatsat?

(RICKY CALDERON)

Other News
  • 2 MIYEMBRO NG COAST GUARD, KAKASUHAN SA PAGGAMIT NG DROGA

    SASAMPAHAN ng kasong administratibo ang dalawang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) atapos mahuling gumagamit ng iligal an droga sa Zamboanga City nitong  May 15.   Tuligsa ni Commandant, Admiral George V Ursabia Jr anghindi magandang Gawain ng mga public servants ng mga organisasyon lalo na kapag drug-related offenses.   “I have been repeatedly urging our […]

  • PDu30 kumbinsido, byahe ng mga suki ng LRT magiging mabilis na

    KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magiging mabilis na ang biyahe ng mga mananakay na suki ng Light Railwyay Transit (LRT).   Ito’y matapos na pangunahan ni Pangulong Duterte ang inagurasyon ng Light Railwyay Transit Line 2 East Extension Project, itinuturing na isa sa hallmarks ng “strong commitment” ng pamahalaan na magbigay ng mas […]

  • 2 Christmas Tree pinailawan sa Navotas

    Bilang hudyat na papalapit na ang kapaskuhan, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang taunang pagpapailaw sa kanilang malaking Christmas Tree para ipadama sa mga Navoteño ang diwa ng Pasko.   Sinaksihan nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang isinagawang Virtual Lighting ng Navotas Christmas Tree na matatagpuan sa harapan […]