• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para matigil na ang PRICE MANIPULATION:

DA, tinitingnan ang pag-alis sa brand labels sa imported na bigas
INANUNSYO ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang plano nitong alisin ang brand labels sa imported na bigas sa layuning labanan ang price manipulation.
“After conducting a series of market visits, we now have reason to believe that some retailers and traders are intentionally confusing Filipino consumers with branded imports to justify the high prices of rice,” ang sinabi ni Tiu Laurel sa isang kalatas.
Ang hinala ni Tiu Laurel, may ilang industry players ang “manipulating the system to inflate prices and exploit Filipino consumers.”
Tinitingnan din ni Tiu Laurel ang pag-alis sa mga label gaya ng “premium” at “special” sa imported rice, sinasabing ang pagle-label ay ginagamit lamang para bigyang katarungan ang ‘inflated prices’ o pagpintog ng presyo.
Gayunman, sinabi ni Tiu Laurel na ang locally-produced rice ay exempted mula sa plano para protektahan ang mga magsasakang Filipino at mangangalakal.
“Importing rice is not a right but a privilege,” ang winika ni Tiu Laurel sabay sabing “if traders are unwilling to follow our regulations, we will withhold permits for rice importation.”
Tinukoy ang data na nakuha mula sa retailers, traders, at importers, tinuran ni Tiu Laurel na ” that markup of P6 to P8 per kilo from the landed cost of imported rice is sufficient to profitably sustain the operations of all parties involved in the supply chain.”
Binigyang halimbawa nito, kung ang bigas ay nabili mula sa Vietnam sa halagang P40 per kilo, ang consumer price ay hindi dapat lalagpas sa P48 per kilo.
Sinabi ni Tiu Laurel na kinokonsidera ng DA ang ilang hakbang para tugunan ang ‘rice price volatility’ kabilang na ang pag-invoke sa food security emergency sa ilalim ng inamiyendahang Rice Tariffication Law, pinahihintulutan ang pagpapalabas ng buffer stocks mula National Food Authority (NFA) para maging matatag ang presyo.
Tinitingna din ni Tiu Laurel ang opsyon na payagan ang mga government corporations gaya ng Food Terminal Inc., na umangkat ng mahalagang dami ng bigas para makipagkumpetensya ng direkta sa mga private importer.
“Despite President Ferdinand Marcos Jr.’s reduction of the rice tariff to 15% from 35% in July, prices of some rice brands have remained stubbornly high, frustrating both the government and consumers,” ayon sa DA.
Dahil dito, sinabi ni Tiu Laurel na tinitingnan niya na tapikin ang Department of Finance, partikular na ang Bureau of Internal Revenue, na i-audit ang financial records ng mga rice trader upang matiyak ang pagsunod ng mga ito sa ‘fair pricing practices’ at maging ang Department of Trade and Industry para mag-assist sa pagmo-monitor sa presyo ng bigas sa mga pamilihan at grocery. (Daris Jose)
Other News
  • CHIPS Act ng Estados Unidos, nakikitang magpapalakas ng semiconductor sector ng Pinas

    KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang suporta ng Estados Unidos sa ilalim ng CHIPS Act ay magpapalakas sa semiconductor sector ng Pilipinas kabilang na ang propesyonal nito.     Sinabi ng Pangulo na inaasahan na ang Pilipinas ay makapagpo-produce ng 128,000 semiconductor engineers at technicians na mami-meet ang demand ng teknolohiya sa susunod […]

  • 5 BARANGAY SA MAYNILA MINOMONITOR SA TUMAAS NA KASO NG COVID-19

    LIMANG  barangay sa lungsod ng Maynila ang mahigpit na minomonitor  ngayon  dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lugar.   Ito ang kinumpirma ngayon ni MPD District Director PBGen Leo Francisco sa ginanap na kauna-unahang media forum  ng MPD-Press Corps.   Sinabi ni Francisco na kasalukuyan ay bina-validate ang barangays 351, 675, 699, 701, […]

  • Walang artificial power crisis sa Pinas- PBBM

    WALANG ARTIFICIAL power crisis sa bansa sa kabila ng halos araw-araw na ang red at yellow alerts na idineklara sa Luzon at Visayas grids.     ”No, it definitely is not an artificial crisis, dahil talagang the power systems are overloaded. Ang naging consumption natin biglang tumaas talaga, because of the, dahil napakainit,” ayon kay […]