• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 BARANGAY SA MAYNILA MINOMONITOR SA TUMAAS NA KASO NG COVID-19

LIMANG  barangay sa lungsod ng Maynila ang mahigpit na minomonitor  ngayon  dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lugar.

 

Ito ang kinumpirma ngayon ni MPD District Director PBGen Leo Francisco sa ginanap na kauna-unahang media forum  ng MPD-Press Corps.

 

Sinabi ni Francisco na kasalukuyan ay bina-validate ang barangays 351, 675, 699, 701, at 725.

 

Ayon kay Francisco, sa Barangay 351 ay mayroon umanong  binabantayan na 12 kaso; sampu naman sa Barangay 675; sa Barangay 699 ay 12; labing-apat naman sa Barangay 71; at 15 sa Barangay 725.

 

Ayon kay Francisco, mayroon ng koordinasyon ngayon sa Manila Health Department at City Hall ng Maynila at anumang oras ay maaari nang inanunsiyo kung isasailalim sa lockdown ang mga nasabing barangay.

 

Sabi ni Francisco, limang araw ang paglalagay sa lockdown sa mga nabanggit na barangay.

 

Tiniyak naman aniya ng alkalde na may sapat na suplay ng pagkain sa loob ng limang araw ang mga residente na kabilang sa isasailalim sa lockdown. (GENE ADSUARA)

Other News
  • MAINE, JUDY ANN at RYAN, bakunado na rin at hinihikayat ang netizens; ‘wag ding maniwala sa sabi-sabi

    SUNUD-SUNOD na ang mga celebrities, na pasok sa A4 category ang media at entertainment industry, na nagpapabakuna ng COVID-19 vaccine at kabilang na nga ang Eat Bulaga dabarkads na si Maine Mendoza.     Sa kanyang Instagram post, makikita ang photos na pagpaturok ng bakuna na pinusuan naman ng netizens.     Caption ng tv […]

  • Instituto Cervantes de Manila to Stream Spanish Documentaries for Free!

    TO highlight the rich diversity of viewpoints and narratives, Instituto Cervantes de Manila is presenting this May the online film cycle “Zonazine”, a showcase of Spanish and Latin American documentaries.     The films will be shown through the Instituto Cervantes channel on the Vimeo platform (vimeo.com/institutocervantes) and will be freely accessible for 48 hours from their […]

  • Netizens, nagtalo-talo na naman dahil meron pa ring nanglait: HEART, pinasalamatan ni JINKEE dahil nagustuhan ang hand-painting sa Hermes bag

    PINASALAMATAN ni Jinkee Pacquiao si Heart Evangelista dahil nagustuhan niya ang hand-painting sa kanyang Hermes pink bag.   Pinost niya sa IG ang naturang painting ni Heart at may caption na, “thank you dear @iamhearte (pink heart emoji).   At nag-comment naman ang asawa ni Sen. Chiz Escudero ng, “I’m happy (kasama ang 5 red […]