• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para paghusayin ang industriya ng pag-aasin, plano ng administrasyong Marcos, inilantad

TUTULONG ang administrasyong Marcos para sa modernisasyon ng industriya ng pag-aasin.

 

 

Sa katunayan,  isiniwalat  ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang plano ng administrasyon para paghusayin ang salt production sa bansa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang  Department of Agriculture, na pinamumunuan ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr., ang mangunguna sa usaping ito kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno.

 

 

Ang plano ayon kay Cruz-Angeles ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

 

 

Ang DA ay magi-implementa ng mga programa at inisyatiba  para palakasin ang salt production at supply; pangungunahan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang iba’t ibang  “research and development initiatives” sa  salt production at tulungan ang  marginal at artisanal salt makers; pagsasakatuparan ng  Development of the Salt Industry Project (DSIP) para sa salt makers sa Regions 1, 6 at 9; palalawigin ng DA ang  salt production areas at isusulong ang “development of technologies to accelerate salt production” ; at ang gagawing pakikipagtulungan ng DA sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), and Department of Trade and Industry (DTI) para i-develop  ng husto ang local salt industry sa ilalim ng Republic Act 8172, o Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN).”

 

 

Itinaas naman ng DTI ang presyo ng asin makaraan ang ilang taon na hindi nababago ang presyo nito.

 

 

Sa katunayan, inaprubahan nito ang pagtaas sa presyo ng  iodized rock salt sa P21.75 para sa 500 grams at  P23.00 para sa one kilogram.

 

 

“When it comes to iodized salt, the suggested retail price for a 100-gram pack is set at P4.50, while the price for a 250-gram pack ranges from P9.00 to P11.75 and P16.00 to P21.25 for a 500-gram pack. One kilogram of salt is priced at P29.00,” ayon sa DTI.

 

 

Sa gitna ng pagtaas,  pinanindigan naman ng DTI na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng asin sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Zack Snyder’s Justice League Coming To HBO GO This March, Three Teaser Posters Revealed

    WARNER Bros. Pictures and DC full-length Max Original feature film Zack Snyder’s Justice League will premiere same time as the U.S. on HBO GO in the Philippines on Thursday, March 18, 2021.     The announcement came with the debut of three new teaser posters.     The release of Zack Snyder’s Justice League will be supported […]

  • PDu30, inamin na sinadya na hindi magpakita sa publiko ng 2 linggo

    MULING kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko matapos na hindi siya magpakita ng dalawang linggo sa publiko.   Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na sinadya na mawala ng ilang araw.   “Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako […]

  • Garcia namumuro na kay Pacquiao?

    Maugong ang pangalan ni World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia sa posibleng makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao.     Mismong ang tatay ni Garcia na si Henry ang nagkumpirma na gumugulong na ang negosasyon para sa laban na inaasahan nitong maikakasa anumang araw ngayong linggo.     “It’s not bizarre, […]