• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para raw sinadya para mapag-usapan: DAVID at JAK, parehong nag-Zoro costume kaya iba-iba ang naging reaksyon

PINAG-UUSAPAN pa rin hanggang ngayon ng mga netizens sina David Licauco at Jak Roberto matapos nilang rumampa na parehong nag-cosplay bilang Roronoa Zoro ng ‘One Piece’ sa ginanap na GMA Sparkle Spell 2023 noong October 22.

 

Nagtalo-talo nga sila kung kanino mas bagay at bakit kailangan pareho ang kanilang costume.

 

Ilang nga sa naging komento…

 

“Jak and David parehong nag Zoro costume….para mapag usapan na naman.”

 

“Walang coordination yata ng costumes. Parang di alam nung tagagawa ng caption kung sino yung roles ng iba tapos yan may nadoble pa.”

 

“Parang sinadya naman ng mga boylets ni barbie na mag-roronoa para pag-usapan sila. Pero bet ang costume ni Sanya. Grabe naman effort ni (Derrick) Monasterio, may pa horse talaga?

 

“David Licauco and Jak Roberto’s costumes looks like a class project nung my high school days 🙂 🙂 🙂 Economy is not great but dudes… how about spending a little.”

 

“Mas bagay kay David since mas malapit features niya sa actor na nagpi-play ng character ni Zoro.”

 

“He looks malamya at payatot mas bagay kay Jak.”

 

“Sa video nong pagrampa mas bagay kay Jak Roberto dalang-dala niya si Zoro at medyo hawig din sila ni Mackenyu.”
“Dahil sa high cheekbone… yun isa naman TH.”

 

“Jak roberto looks like Ji Chiang Wook.”

 

“Bagay kay David ung costume nya. Tumugma sa built ng katawan nya.”

 

“Parang nagkasakit na Zoro yung David, at expectation vs reality yung Jak.”

 

Nakatanggap din ng panlalait si Barbie Forteza na isa sa ‘Stars of the Night’ ng naturang event ng GMA Network, sa kanyang character bilang Daenerys Targaryen ng “Game of Thrones.”

 

Ayon sa obserbasyon ng netizens:

“Yung costume naman ni Barbie na Daenerys fail! Halatang ‘di pinaghandaan panget ng tela.”

 

“Yung tela ng custume ni Barbie parang kukurtinahin from divi. Hehe.”

 

“Nagmukha siyang maliit lalo sa totoo lang.”

 

“Nag-Google ako kung meron bang costume si daenery na blue meron naman pero hindi ganitong tela at hindi ganitong style. Di ko alam kung fan talaga siya ng GOT dahil kung ako sa kanya madi-disappoint ako ganyan ipapasuot sa akin.Tinignan ko ulit costume ni angel locsin na daenery at iyon talaga ang kuhang kuha and even expression ng mukha ginaya ni angel.”

 

“True! Sorry yung outfit ni Barbie parang pinatahi lang sa tabi tabi. Wala rin akong natatandaan na ganyang damit ni Daenerys and yung wig di man lang inayos ang paglagay.”

 

Oh well, kanya kanya lang naman ‘yun taste. Ang importante nag-enjoy sila sa pag-attend ng ‘Sparkle Spell 2023’.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Oribiana nilinaw ang papel nina Garcia, Gavina sa RoS

    KLINARO ng Rain or Shine management na si coach Chris Gavina ang tatawag ng plays at magsasabi ng instructions para sa Elasto Painters sa 46th PBA Philippine Cup 2021 simula sa April 9, habang si dating mentor Carlos ‘Caloy’ Garcia ay parte ng national men’s basketball training team program.     Ipinahayag Lunes ni ROS […]

  • Kai Sotto nagpakita ng maturity sa panalo ng Gilas laban sa Jordan

    Tinanggap ni Kai Sotto ang desisyon ng kanyang coach na si Chot Reyes na i-sub out siya sa first half nang maluwag sa pagbawi niya sa kanyang sarili mula sa matamlay na simula sa pamamagitan ng malakas na pagpapakita sa third-quarter para pamunuan ang Gilas Pilipinas laban sa Jordan sa Fiba World Cup Asian Qualifiers […]

  • LTFRB kakanselahin ang prangkisa ng mga sumama sa strike

    BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kakanselahin ang mga prangkisa ng mga sumama sa transport strike at rally na ginawa noong Lunes.       “We will initiate an investigation of public utility jeepney (PUJ) operators and drivers who participated in the transport strike. We have people   on the ground as […]